PITONG (7) SIDE EFFECTS NG HAIR COLORING NA DAPAT MALAMAN NG MGA KABABAIHAN

SPONSORED LINKS
Maraming sumusunod sa uso na mga kababaihan ngayon at nagpapakulay ng kanilang buhok. Ginagawan nila ito para mas maganda silang tingnan dahil bilang babae ay ang pagiging kaaya-ayang tingnan ay isa sa importanteng aspeto ng kanilang buhay. Ang pagkulay sa buhok ay hindi lamang nagbibigay ng natatangi at magandang itsura pero minsan ay nakakapagpabata din sa paningin ng ibang tao.



Gayunman, ang paggamit ng mga hair coloring ay maaaring magbigay ng maraming masasamang epekto sa kalusugan na dapat malaman ng mga tao para maiwasan nila ito.

Hindi madaling mapansin ang mga sintomas ng mga epekto na gawa ng hair coloring sa katawan ng isang tao. Maaaring maglipas pa ang ilang araw o linggo bago makita ang mga ito. Ang pagkasira na dulot nito ay maaaring lumala at kumalat na kung madalas mong gamitin ang mga produktong ito. Maaaring gumanda ang itusra mo dahil dito pero sa kinalaunan ay masisira lang ang buhok mo dahil sa mga side effects nito.

Dahil dito ay mababasa mo sa artikulo na ito ang mga side effects ng madalas na paggamit ng pangkulay ng buhok.

ITO ANG MGA MASASAMANG EPEKTO NG HAIR COLORING:

ALLERGY

Ano man ang dahilan kung bakit mo kinukulayan ang buhok mo, kung nag-eeksperimento ka lang, para mapaganda ang sarili mo o maitago ang mga puting buhok ay maaaring makaranas ka ng matinding allergic reaction dahil dito. Ito ay nangyayari dahil sa laman nito na paraphenylenediamine o tinatawag din na PPD. Ang karaniwang mga sintomas nito ay pangangati ng scalp, pamumula at pamamaga sa anit na ito, katamtamang dami ng dandruff, pamamaga sa paligid ng mata at pilik-mata, scaly na balat sa paligid ng mata, ilong at kahit sa buong mukha.

BRITTLE HAIR


Kung madalas mong kulayan ang buhok mo, masisira ito ng todo dahil sa mga kemikal na makikita sa mga pangkulay na ito. Ang mga kemikal na ito ay aalisin ang moisture sa tresses mo, at paghiwalayin ang cuticle scales at gawin itong tuyo at madaling masira. Dahil dito ay mawawala ang dating kintab ng buhok mo. Sa kinalaunan, dahil puputulin mo ang nasirang parte ng buhok mo ay maaapektuhan din ang kabuuang haba nito.

IRRITABLE SKIN

Maraming tao ang hindi ito alam pero ang mga pangkulay ng buhok ay maaaring magdulot ng masamang reaksyon sa balat at iritasyon. Ang karaniwang mga sintomas ay burning sensation, pamumula at flaky skin, kasama rin dito ang pangangati at masamang pakiramdam. Mariin na inirerekomenda na dumaan sa patch test ng hindi kukulang sa 48 hours bago mo kulayan ang iyong buhok. Sa oras ng patch test, ang mga allergen na nakalagay sa balat mo ay masusuri para masiguro na walang masamang reaksyon dito ang balat at hindi rin magdudulot ng iritasyon. Tigilan ang paggamit sa mga hair dyes kung nakapansin ka kaagad ng kahit na anong allergic reaction dahil dito. Kung nagkaroon o nagpatuloy ang pangangati at pamamaga ay bumisita kaagad sa isang dermatologist.



CANCER


Maraming eksperimento na ginawa sa laboratoryo ang nakapagpatunay na ang PPD na laman ng hair dyes ay may kakayahan na sirain ang human DNA at magdulot ng kanser. Gayunman, ang dami ng PPD na maaaring magresulta sa pagkasira ng mga cells ay hindi pa tukoy. Matinding pinaniniwalaan ng American Cancer Society na mas marami pang pag-aaral ang dapat gawin dito bago makaabot sa mas malinaw na konklusyon, lalo na kung sasabihin na cancerous talaga ang mga hair dyes. Ang resorcinol ay isang kemikal na makikita din sa mga hair dyes. Ito ay kilala bilang isang endocrine disrupting na kemikal na patataasin ang tiyansa ng isang tao na magkaroon ng breast cancer dahil nakasisira ito sa wastong balanse ng hormones sa katawan.

RASHES O PAGPAPANTAL

Paulit-ulit na ang pangyayari kung saan ang mga tao na nakararanas ng allergic reaction sa paggamit ng hair dyes ay nagrereklamo dahil sa pagkakaroon ng mga namumulang mga pantal sa kanilang scalp. Ang mga rashes na ito ay nakikita sa kaparehas na lugar kung saan ginamitan ng hair dyes at sa paligid din nito. Kung naranasan mo ito ay bumisita kaagad sa isang dermatologist para maagapan ito at mapigilan ang paglala.

ASTHMA

Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga hairstylist na palaging babad sa hair dyes ay mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng skin allergies at astma. Ang work-related asthma na ito ay resulta ng matagal na pagkakababas sa PPD na makikita sa mga hair dyes o persulfates na ginagamit sa ilang mga bleaches. Kung madalas kang nabababad sa mga kemikal na ito ay hihigpitan nito ang airway passage ng katawan mo at mahihirapan kang huminga.

HIDDEN COSTS O NAKATAGONG KAHIHINATNAN


Maraming mabibiling mga hair dyes at karamihan dito ay mura pero hindi lubos na mapagkakatiwalaan at maaaring magdulot ng mga komplikasyon na magiging dahilan ng karagdagang gastos ng pera mo. Para maiwasan ito, tanungin muna ang iyong stylist tungkol sa hair dye na gagamitin mo para maging ligtas at maingat.

Dapat mong unang isaalang-alang ang kalusugan mo sa lahat ng gagawin mo kahit pagdating sa mga bagay na ikagaganda ng itsura mo. Alamin ng mabuti ang mga produkto na bibilhin mo at kung may mga side effects ito para hindi ka mapahamak.

Umaasa kami na nakatulong sa iyo ang artikulo na ito at kung maaari ay ipabasa ito sa iba. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS

0 comments