SIYAM (9) NA DELIKADONG INDIKASYON NA MAGSASABI KUNG SOBRA NA ANG STRESS MO

SPONSORED LINKS
Kapag tayo ay nasobrahan na sa stress, maaaring wala tayong kamuwang-muwang sa mga sintomas na nagdudulot sa matinding pagkakaiba ng ating ugali.



Alam mo ba na ang stress ay isang matinding dahilan para sa mga iba’t ibang karamdaman na maaaring dumapo sa katawan mo?

Humihina ang immune system dahil dito at magreresulta sa pagkakaroon ng sakit at ang pananakit ng buong katawan na gagawin kang maputla at mahina.

Kung napansin mo nang nahihirapan ka sa buhay at sobra na ang stress mo ay maaaring magliban ka muna sa trabaho o iwasan ang social media ng kahit maikling panahon lang.

Bukod dito, madalas tayo na kumikilos at nagtatrabaho araw-araw na may low level burnout, ang nakararanas na pala ng stress at hindi natin alam.

Sa ganitong sitwasyon, ang tungkulin ng ating immune system ay nasisira at mas mahihirapan ka pagdating sa problema na pang-emosyon.

ITO ANG 9 WARNING SIGNS NA MAGSASABI KUNG SOBRA KA NA SA STRESS AT KINKAILANGAN MO NANG PANGALAGAAN ANG SARILI MO:

1. Paglagas ng buhok

Marami ang maaaring dahilan nito, pero may mga pag-aaral ang nagpakit na ang karanasan ng matinding stress ay malaki ang nagiging epekto sa psychological functions sa punto na mas marami sa buhok mo ang makararanas ng “resting phase” sa magkasabay na oras. Magdudulot ito ng paglagas ng buhok sa darating na mga buwan dahil sa stress.

Kung hindi maipaliwanag ng doktor ang paglagas ng buhok mo ay baka dahil sa sobrang stress ito.

2. Maliit ang pasyensiya sa ibang tao

Kung bigla na lang lumiit ang pasyensiya mo, magagalitin, walang konsiderasyon sa kapakanan ng iba, madaling mairita kahit sa mga kamag-anak o kaibigan ay baka dahil ito sa matinding stress at sobra ka nang napapagod dahil dito. Kailangan mo ng mahabang pahinga para maibsan ang stress na nararamdaman mo para wala itong negatibo na epekto sa buhay mo araw-araw.

3. Palaging iniisip ang sariling trabaho

Kung nakararanas ka na ng matinding stress at madalas mo na lang iniisip ang mga gastusin, trabaho at mga obligasyon mo ay talagang mapapagod ka dahil dito. Kahit palagi mo itong iniisip ay wala itong magagawa para masolusyunan ang problema.

Ang sobrang pag-aalala ay mas lalong makasasama pa sa sitwasyon at maaaring magdulot iba’t ibang psychological at physical na mga problema. Aliwin ang sarili gamit ang ibang bagay at iwasan muna ang paggamit sa cellphone mo. Magrelaks lamang at gumastos ng oras na kasama ang mga minamahal mo sa buhay.


4. Kawalan ng gana sa seks o pakikipagtalik

Ang libido o gana sa seks ay apektado rin ng stress, kung mas mataas ang stress na nararamdaman mo ay mas iilan din ang hormones na nagpapagana sa seks ay magagawa ng katawan. Ang stress ay nagdudulot ng pagkapagod o panghihina at ang kawalan ng kakayahan na makipagtalik.

Kung wala kang gana sa seks ay maaari mong subukan ang iba’t ibang paraan ng relaxation para mapabuti ang love life at relasyon mo. Mas madanda kung mapag-uusapan mo ang mga problema mo sa kinakasama mo.

5. Hindi makaupo ng maayos

Kung nakararanas ka ng stress ay magreresulta ito sa pagiging balisa, sobrang pag-aalala, pagkalito at pagkapagod mo.

Kailangan mo itong maagapan, harapin ang kinatatakutan mo para mabawasan ang sobrang pag-aalala mo. Ang hindi pagpansin sa problema ay walang magagawa para maremedyuhan ito at baka mas lalo pa itong lumala.

6. Pananakit ng katawan

Madalas na ipinagsasawalang bahala ng mga tao ang nararamdaman nilang sakit sa katawan pero isa itong malaking pagkakamali. Masama ang epekto ng stress sa katawan at maaaring magdulot ito ng pananakit ng dibdib, problema sa tiyan, ulcers, diarrhea, tense muscles at palpitations.

7. Problema sa pagtulog


Kung bigla na lang nagbago ang nakasanayan mong oras sa pagtulog at hindi ka na makatulog ng maayos at sa wastong tagal dahil sa stress, dapat baguhin mo na paraan ng pamumuhay mo dahil baka nakararanas ka ng matinding stress.

Sa ilang kaso ng stress, ang kalidad ng pagtulog ay ang unang naapektuhan. Subukan lamang na gawin ang ilang mga paraan para marelaks ang katawan tulad ng yoga, pag-eehersisyo, pagkain ng mga malulusog at paggamit ng mga medikasyon para mabawasan ang stress.

8. Pabago-bago na bigat ng katawan

Ang stress ay maaaring magresula sa biglaang pabago-bago ng bigat ng isang tao dahil may kakayahan itong pabagalin ang ating metabolism na magdudulot ng pagtaba at kahit pagpayat.

Kung nakararanas ka ng ganitong sitwasyon at hindi mo maipaliwanag, obserbahan lang ang sarili para malaman mo ang dahilan nito at mabigyan mo ng lunas.

9. Malaki at biglang pagbabago ng ugali o mood

Kung naapektuhan na ng stress ang antas ng hormones sa katawan mo ay makararanas ka ng matinding mood swings na malaki ang pagbabago. Ang stress ay maaaring magresulta sa anxiety addictions, obssesive-compulsive disorders at iba pang mental health issues, kaya siguraduhin na sinabi mo ito sa ibang tao o gumawa ng paraan para mokontrol ang stress mo at maiwasan ang iba pang karamdaman na maaaring idulot ng paglala nito.
SPONSORED LINKS

0 comments