SIYAM (9) NA DELIKADONG SIDE NG SOBRANG AIR CONDITIONING NA DAPAT NATING MALAMAN

SPONSORED LINKS
Simula sa imbensyon ng air conditioner, nahihirapan na ang tao na mabuhay ng walang isa, lalo na kung sobrang init na dala ng pagbabago ng klima. Maaari mong tiisin ang tag-init na walang air conditioning.



Gayunman, kung ginagamit mo ito ng madalas ay dapat handa ka sa mga nakasisirang epekto nito sa katawan mo. Ang mga epektong ito ay maaaring katamtaman lang o nakaiirita sa pagiging malubha o delikado na. Mapagmasid sa mga mararanasang pananakit ng ulo, panghihina, dehydration at mga alerhiya. Maaari ka ring dapuan ng upper respiratory issues o kumalat ang mga impeksyon tulad ng Legionnaire’s disease dahil sa air-conditioned na mga lugar.

Sa pagtaas ng temperatura, maraming tao ang nayayamot dahil sa sobrang init at pawis na idudulot nito, at sa ilang bansa ito isang matinding pangangailangan. Para sa mga bahay na may mga bata at nakakatatanda, malaki ang naitutulong nito para gumihawa ang kanilang pakiramdam tuwing tag-init. Sa kasamaang palad, dapat nating maintindihan na ang pagkakababad ng sobra sa mga air conditioners ay magdudulot ng matinding peligro sa ating kalusugan. Ito ang mga nakasasamang epekto ng sobrang paggamit ng air conditioner na inilista namin:

1. LETHARGY O PANGHIHINA NG KATAWAN


Ang hindi maipaliwanag na panghihina at katamlayan ng katawan ng isang tao ay iniuugnay sa mga air conditioners sa bahay o sa mga opisina ayon sa isang pananaliksik. Kung ang lugar mo ay sobra ang air conditioner sa punto na ikaw ay nanginginig na, maaaring maging isa ka sa makararanas ng madalas na katamlayan o panghihina ng katawan.

2. DEHYDRATION

Mas mataas ang posibilidad na ikaw ay madehydrate sa mga kuwarto na may matagal nang umaandar na AC. Dahil ang air conditioning ay nagdudulot ng sobrang humidity sa kuwarto ay mapapabayaan mo na ang pag-inom ng tubig, at maaaring madehydrate ka dahil dito. Dahil sa sobrang lamig, pakiramdam ng katawan mo ay hindi na ito kailangang uminom o kahit gumalaw ng sobra.

3. TUYO AT MAKATING BALAT


Napag-alaman ng mga mananaliksik ang isang pangalan para sa sintomas na may kaugnayan sa isang kondisyon sa balat at ito ay tinatawag na “sick building syndrome”. Ito ay nawawala sa paglipas ng ilang oras matapos mong umalis sa isang building pero para malunasan ang problema sa balat ay hindi lamang ganito kasimple. Kung masyadong tuyo na ang balat mo ay baka abutin ito ng maraming araw bago tuluyang maglaho ang sintomas na ito. Ang epekto nito ay mas matindi kung tag-init. Ang sobrang air conditioning kasabay ang sobrang pagkakababad sa araw ay magdudulot ng makati at tuyong balat.

4. PANANAKIT NG ULO
Walang may gusto sa pananakit ng ulo pero ito ang isa sa karaniwang epekto ng sobrang pagkakababad sa AC. Kung hindi maayos ang AC sa isang kuwarto, ang pagkakaroon mo ng panangakit ng ulo at pagkahilo ay tumataas habang ang kalidad ng hangin sa kuwarto ay bumababa. Ang dehydration na epekto ng AC ay maaaring magresulta din sa pananakit ng ulo. Sa katotohanan, ang dehydration ay madalas na isinasawalang bahala na dahilan ng pagsimula ng pagkahilo o migraine ng isang tao.



5. PAGTAAS NG RESPIRATORY SYMPTOMS


Ang mga tao na matagal na nanatili sa isang kuwarto na may AC ay may mataas ang posibilidad na dapuan ng upper respiratory symptoms sa mata, ilong at lalamunan kung ikokompara ito sa mga lugar na walang AC. Ang mga sintomas na ito ay katulad ng pagbara ng ilong, tuyong lalamunan at kahit ang rhinitis. Isang nakakagulat na pag-aaral ang nagsabi na 28 porsyento ng mga tao na nasa air conditioned buildings ay nakaranas ng rhinitis kompara sa 5 porsyento ng nasa mga buildings na natural ang ventilation. May mga 35 porsyentong katao ang nagkaroon ng bara sa ilong kompara sa 9 porsyento ng nasa natural ang ventilation. Talagang nakakaalarma ang mga resulta na ito kaya mag-ingat sa sobrang pagkakababad sa AC.

6. NAKAHAHAWANG MGA SAKIT

Alam mo na dahil ang AC ay nakatutuyo ng nasal passages ay nagdudulot ito ng iritasyonsa mucus membranes at pinatutuyo ang sipon mo? Ang kawalan ng wastong dami ng protective mucus ay nagreresulta sa pagtaas ng bilang ng mga tao na dinadapuan ng sari’t saring pag-atake ng mga virus. Mga kilalang mikrobyo tulad ng mga bakterya na siyang dahilan ng Legionnaire’s disease ay nabubuhay sa mga water supply systems katulad na lamang ng nasa AC units.

7. PINAPALALA ANG MGA ALERHIYA AT ASTMA

Maaaring isipin mo na ang malamig na temperatura ay mas mabuti para sa balat, pero mas lumalala pala ang mga alerhiya at astma ng isang tao kung nababad sila sa isang air conditioned na kuwarto na hindi maayos ang kondisyon ng AC. Tumataas ang posibilidad na mapasok ang katawan mo ng iba’t ibang mikrobyo at alikabok na magiging mitsa ng alerhiya mo o paglala ng iyong astma. Sa sitwasyon ng mga tao na allergic sa pollen mas mainam na palagi silang nasa loob ng bahay pero ang isang unsanitized o hindi malinis na AC ay siya namang magdudulot ng problema kung hindi ito naayos kaagad.

8. KAWALAN NG KAKAYAHAN NA TIISIN ANG INIT

Dahil nakikialam sa natural na temperatura ng katawan ang AC, maraming mga tao na madalas nasa air conditioned na kuwarto ay unti-unting hindi kayang tiisin ang tag-init na panahon. Ang stress na naidudulot sa kanilang katawan sa paglipat galing sa malamig na lugar papuntang maiinit ay isang dahilan kung bakit ito nangyayari. Iniuugnay ito sa mataas na bilang na namamatay sa heat waves, na may average na 400 deaths bawat summer. Ngayon alam mo na kung bakit maraming mga matanda ang pumapanaw kapag tag-init.

9. HIRAP SA PAGHINGA

Kung naipit ka sa trapiko habang sobrang init ang panahon ay maaaring pasalamatan mo ang buong kalawakan sa pagkakaroon ng AC sa iyong sinasakyan. Pero hindi mo ba alam na mas matindi itong magpakalat ng mga mikrobyo at bakterya na nagdudulot ng mga respiratory problems? Isang nakakaalarmang pananaliksik ang ginawa sa Louisiana State Medical Center ang nakatuklas ng 8 uri ng mold na nabubuhay sa 22 galing sa 25 na kotse na pinag-aralan nila. Ito ang nagpapakalat ng air-borne na mga sakit tulad Legionnaire’s disease, isang impeksyon na may posibilidad na maging malubha at nakamamatay at nagdudulot ng mataas na lagnat at pneumonia.

Mahihirapan tayong mabuhay ng walang AC lalo na kung sanay na tayo dito pero tandaan na gamitin ito ng maayos. Dapat palagi itong nasa maayos na kondisyon at malinis. Ipinagpapayo na papasukin ang hangin sa kuwarto bawat 3-4 hours para maiwasan ang pananakit ng ulo at baradong ilong. Huwag tiisin ang sakit sa ulo para lamang sa malamig na kuwarto. Kinakailangan pa rin ng katawan mo ang sariwa at preskong hangin. Mag-ingat at palaging ingatan ang ating kalusugan!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments