SIYAM (9) NA HEALTH BENEFITS NG GINGER O LUYA AT KUNG PAPAANO ITO MADAGDAGAN SA PAGKAIN MO

SPONSORED LINKS
Ang luya ay nanggagaling sa ugat ng halaman nito. Ang spicy na amoy at lasa ng ginger ay galing sa natural oils nito na ang pinaka-importante ay ang gingerol – at ito ang dahilan kung bakit nakabubuti para sa kalusugan ang ginger. Ang gingerol ay may malakas na anti-inflammatory at anti-inflammatory na epekto.



Ito ay karaniwang ginagamit para maibsan ang pagkahilo at mga karamdaman sa tiyan pero marami rin itong mga scientifically backed na health benefits at natuklasang kasingbisa ng ilang mga nabibiling medikasyon. Maaari itong kainin sa sariwa at ilasa sa mga lutuin, o gamitin bilang supplements, may ilang mga pagkakataon na maaari din na gamitin ang langis nito ng direkta sa balat.

BASAHIN ANG SIYAM (9) NA PARAAN KUNG PAAANO MAPAPABUTI NG GINGER ANG IYONG KALUSUGAN AT KUNG PAANO ITO MAGAGAMIT SA MGA PAGKAIN:

1. Labanan ang pagkahilo


Ito ang madalas na kagamitan ng ginger at napatunayan na ito ng siyensya. Mabisa itong gamitin ng mga tao na nakaranas ng operasyon, may morning sickness o dahil sa matinding medical treatments ng HIV o kanser para maibsan ang kanilang pagkahilo ag pagsusuka. Ang pagkunsumo dito o paglagay ng kaunting langis nito sa kamay ng mga pasyente ay nagbigay ng positibong epekto sa lahat ng may pagkahilo at nagsusuka.

2. Maibsan ang masakit na menstrual period

Sinabi ng WebMD na sa isang pananaliksik, ipinakit na ang pagamit ng 1500mg ng ginger araw-araw sa unang tatlong araw ng menstrual period ay mabisang makababawas sa sakit at iba pang sintomas katulad sa ginagawa ng ibuprofen.

3. Paganahin kang kumain
Ang fresh ginger ay gagawing mas aktibo ang digestive system mo para mas gumana ang kagustuhan mong kumain, ayon sa Food Matters.

4. Bawasan ang pananakit ng kalamnan


Ang ginger ay kayanng bawasan ang pananakit ng kalamnan na dulot ng pag-eehersisyo, ayon sa Authority Nutrition, at maaaring dahil ito sa anti-inflammatory properties nito. Hindi kaagad-agad na mararamdaman ang epekto nito, ipinakita sa ilang pag-aaral na ang paggamit ng ginger ng madalas ay mababawasan ang paglala ng sakit na nararamdaman sa mga kalamnan.

5. Labanan ang mga sakit

Ipinaliwanag ng Everyday Health na ang ginger ay nakapipigil sa rhinovirus, na nagdudulot ng common cold at salmonella.


6. Maibsan ang sakit at iritasyon dahil sa osteoarthritis

Ayon sa WebMD, ipinakita sa isang pananaliksik na ang ginger ay kayang bawasan ang sakit na nararamdaman dahil sa osteoarthritis na kasingtulad ng epekto ng medikasyon na kaparehas ng ibuprofen. Ang isang massage therapy na ginagamit ang ginger oil ay magagamit din para mabawasan ang short-term stiffness at knee pain.

7. Pigilan ang diabetes

Ayon sa Authority Nutrition, isang pag-aaral sa taon na 2015 ang nakatuklas na ang ginger powder ay mabisa na binabawasan ang blood sugar levels ng mga tao na may type 2 diabetes.

Pinabuti din nito ang HbA1c (isang marker para sa long-term blood sugar levels) sa taas na 10% at dalawa pang mga markers na itinuturing na major risk factor para sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

8. Alisin ang bara sa ilong


Inirerekomenda ng Food Matters ang pagtimpla sa isang mainit na ginger tea para mabawasan ang bara sa ilong at lalamunan. Ibabad lamang ang isang sariwang ginger sa kumukulong tubig para sa isang spicy at healthy tea.

9. Bawasan ang pagkahilo

Ang paggamit ng ginger ay mabisa para mabawasan ang pagkahilo dahi sa vertigo at nausea, ayon sa WebMD.

PAANO MO MAGAGAMIT ANG GINGER SA PAGKAIN MO

Madali lamang itong gawin. Puwede mo itong gamitin na sariwa o nasa powdered form, at magbibigay ito ng masarap na spicy flavour. Ito ay madaling makikita sa mga supermarket at kahit may pagkamahal ito ay gagamit ka lang ng kaunti sa niluluto mo. Hanapin ang mga sariwang ginger na walang kulubot o wrinkels at itago ito sa isang snap-lock bag sa pridyeder. Maaari itong magtagal sa loob ng pridyeder ng isang buwan at magagamit ng mas matagal pa kung hindi ito slimy o mouldy o sobrang lambot. Balatan mo ito bago gamitin at kiskisin o hiwain depende sa resipe mo.

Bagay itong gamitin para sa maraming klase ng seafoods, citrus, pork, pumpkin at mansanas. Maaari mo itong ihalo sa mga juice at smoothies o gamitin ito sa stir-fry sauce o isang homemade salad dressing. Maaari mong lagyan ang kumukulong tubig ng ilang freshly peeled na ginger slices para makagawa ng masagana at zero calory na tsaa na mabisa para sa kalusugan ng tiyan mo. Humanap ng tuyo o crystallised ginger sa local grocery store o health shop sa paligid mo. Kung wala itong masyadong laman na asukal, mainam itong gamitin bago ka kumain.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments