TATLONG (3) MGA PAGKAIN NA MAAARING MAGDULOT NG O PALALAIN ANG ARTHRITIS O JOINT PAINS

SPONSORED LINKS
Ang pagkain ay buhay. Ito ay isa sa basic necessity ng sangkatauhan at hindi ka mabubuhay ng maayos kung palagi kang kulang dito. Gayunman, maingat ka ba sa mga kinakain mo? Kumakain ka ba ng malulusog at mabuti para sa kalusugan mo o dahil lamang sa masarap ito at hindi mo iniisip ang maaaring maging epekto nito sa katawan mo?



Maraming tao ngayon ang isinasawalang bahala na lang ang kanilang nutrisyon at kumakain na lang kahit ano para mabusog. Hindi lahat ng pagkain ay nakabubuti para sa katawan ng tao kahit pa masarap ito sa panlasa.

Ang ilan sa mga ito ay maaaring magdulot ng arthritis o rayuma. Ang rayuma ay mga klase ng inflammatory at non-inflammatory na mga sakit sa joints katulad ng osteoarthritis, gout, rheumatoid arthritis at juvenile rheumatoid arthritis.

Ang arthritis ay ang pamamaga ng mga kasukasuan na maaaring isang epekto ng nakaraang karamdaman o sakit o minana o dahil sa iba pang mga dahilan.

Ang pamamaga na ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang epekto sa katawan katulad ng pananakit, paninigas at pamamaga nga ng mga kasukasuan at ng mga laman na nakapaligid dito. Karamihan sa tao ay nag-aakala na ang rayuma ay may kaugnayan sa hindi wastong pagkilos ng katawan katulad ng lower back pain, bursitis, tendinitis at paninigas o pananakit ng ilang mga kasukasuan. Ito ay maaaring makaapekto sa kahit saan na kasukasuan sa katawan, pero madalas dahil sa bigat na dinadala nito ay nangyayari ito sa tuhod, hita at kahit sa spine. May ilang pagkakataon rin na nakaaapekto ito sa mga daliri sa kamay o mga kasukasuan o joints na may nakaraang pinsala, impeksyon o pamamaga.

Ang mga bahagi na bumubuo sa ating joints katulad ng inner bone surfaces ay maaaring kumiskis sa isa’t isa o maaaring bumuo ang mga bony spurs sa dulo ng mga joints na magdudulot ng pananakit ng mga kalamnan at nerves, pagbago ng hugis at kahirapan sa pagkilos. Gayuman, hindi lahat sa mga sintomas na ito ay dahil sa arthritis. Ang mga eksperto ay kinakailangan pa rin ng matinding eksaminasyon ng katawa mo bago nila ito makompirma na ang mga sintomas na ito ay dahil sa rayuma.

Iniisip ng marami na hindi ito maiiwasan dahil parte na ito ng pagtanda ng isang tao. Habang wala pang pangmatagalan na remedyo para dito galing sa modernong medisina, ay dahil sa matinding mga pananaliksik na ginawa tungkol dito ay mas gumiginhawa na ang nagiging karanasan ng mga tao na mayroon ng karamdaman na ito.

Pero kung isa ka sa mga nakararanas ng kondisyon na ito ay dapat mong malaman ang mga bagay na maaaring makaapekto o magpalala dito. Kailangan itong malaman ng bawat tao para hindi ito mangyari sa kanila. Prevention is better than cure, ika nga. Kaya bago maging huli ang lahat ay kailangan mong pag-ingatan ng husto ang kalusugan ng iyong katawan.



ITO ANG MGA PAGKAIN NA MAAARING MAGDULOT O MAGPALALA SA ARTHRITIS O JOINT PAINS:


DAIRY PRODUCTS

Tama ang nabasa mo. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga dairy products katulad ng cheese, mild at iba pa ay nakaiirita ng mga chronic conditions katulad ng arthritis. Itinuturing ito na isa sa pangunahing mga bagay na nagiging dahilan ng pag-atake ng rayuma. Hindi ito dahil sa laman nilang mga protina pero dahil sa mga fats na makikita rin sa ibang skim products. Kung inalis mo ang mga ito sa madalas mong kinakain ay mas gaganda ang pakiramdam mo. Para sa mga tao na nahihirapan dahil sa rayuma, inirerekomenda na palitan ang mga dairy products ng almond milk, soy o rice.

FRIED AT PROCESSED FOODS

Alam na ng karamihan sa atin na hindi nakabubuti ang mga ganitong pagkain sa ating kalusugan dahil marami ang laman nito na preservatives at ang fried foods ay punong-puno rin ng oils. Pero kahit sa kaalaman na ito ay marami pa rin sa atin ang gustong-gusto na kainin ang mga ito. Para sa mga tao na nakararanas ng arthritis at joint pains, kung binawasan mo ang pagkunsumo sa mga ganitong mga klase ng pagkain ay mababawasan din ang pamamaga sa katawan mo. Liitan lamang ang kinakain na karne at frozen at instant meals.

WHITE SUGAR AT REFINED CARBOHYDRATES


Minsan, ang pamamaga ay nangyayari dahil sa mataas na bilang ng glycemic sa ilang mga pagkain at ang pag-iwas sa mga ito ay makatutulong para mapaginhawa ang pakiramdamo at mabawasan ang pananakit dahil sa rayuma at pamamaga.

May mga alternatibong pagkain na makakain para pampalit sa mga nabasa mong pagkain sa taas. Sa halip na kainin ang mga iyon ay maaari mong kainin ang mga sumusunod na pagkain para mabisan ang hirap na nararanasan mo dahil sa rayuma.

ITO ANG MGA PAGKAIN NA MAKAKATULONG PARA MABAWASAN ANG ARTHRITIS AT JOINT PAINS:

Broccoli
Brussels sprouts
Cabbage
Fatty fish
Garlic
Tart cherries
Turmeric
Vitamin C

Hindi lahat ng pagkain ay nakabubuti sa katawan. Sa paglipas ng panahon, tumatanda ang katawan mo at kailang mong maki-ayon sa mga pagbabagong nangyayari dito. Kailangan mong mabuhay ng masigla at lahat ng ginagawa mo ay dapat may positibong epekto sa buong katawan mo. Sana ay gumanda ang sitwasyon ng buhay mo dahil sa artikulo na ito. Ipabasa ito sa ibang tao para makatulong din ito sa kanila. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments