WALONG (8) DAHILAN KUNG BAKIT NANGANGANIB ANG IYONG KALUSUGAN KUNG NAMAMAGA ANG IYONG PAA

SPONSORED LINKS
Ang namamagang paa ay maaaring sanhi ng maraming bagay at ang ilan ay katamtaman lamang pero isa ibang pagkakataon ay baka indikasyon na ito ng malubhang karamdaman.



1. DEEP VEIN THROMBOSIS

Ito ay isang pamumuo ng dugo na kung tawagin ay thrombosis, nakikita ito sa mga ugat ng womb muscles. Ang mga sintomas nito ay pamamaga ng paa at mabigat na pakiramdam nito. Sa ilang pagkakataon, may pamumula at pagbabago ng kulay sa apektadong bahagi ang puwede ring mangyari.

Ang Deep Vein Thrombosis (DVT) ay isang seryosong kondisyon at dapat magpasuri ka kaagad sa mga doktor kung nakita mo na ang mga senyales nito.

Kung lampas ka ng 60 na edad, naninigarilyo, sobrang taba, at nakaupo ka ng matagal palagi, mas mataas ang tiyansa mong magkaroon nito – kaya mag-ingat at pagmasdan ang mga maaagang indikasyon kung mayroon ka nito. Pumunta kaagad sa doktor kung sa hinala mo ay nakararanas ka ng DVT.

MGA SINTOMAS NG BLOOD CLOT


Tawagan ang doktor kung nakita mo ang ganitong mga sintomas, lalo na kung bigla na lang silang lumabas:

Pamamaga ng isa o dalawang paa
Pananakit o paglambot ng isa o dalawang paa, lalo na kung tatayo ka o lalakad
Mainit na balat sa paa
Pamumula o pagbabago ng kulay ng balat sa paa
Ugat na madaling makita
Panghihina o pagkapagod ng paa

Kung may blood clot ka at nakawala ito, maaaring pumunta ito sa baga mo at tatawagin na itong pulmonary embolism at nakamamatay ito. Katulad ng DVT, hindi ito nagpapakita ng mga sintomas.

2. PAMAMAGA NG UTAK

Ang pinakamakapal na tendon sa katawan mo ay tinatawag na Achilles Tendon na palaging napupwersa araw-araw. Ang kaunting pamamaga ay mawawala dito pagkatapos ng ilang pisikal na aktibidad.

Kung nabangga ang iyong paa ay baka mamaga ito. Pero paano kung napinsala ang iyong utak?

Ang pamamaga na kung tawagin ay edema ay ang reaksyon ng katawan sa maraming klase ng pinsala dito. Maaaring magresulta ito dahil sa sobrang puwersa o impeksyon. Madalas na nangyayari ito ng biglaan at madaling bigyan ng lunas sa pamamagitan ng pahinga, ice, elevation, medikasyon o pagtanggal ng excess fluid sa pagpapawis o pag-ihi.

Maaari ring mamaga ang utak mo dahil sa gulpi, sakit at iba pang mga dahilan. Ang pamamaga sa utak ay madaling magdulot ng mga malulubhang problema at kasama na dito ang kamatayan. Mahirap itong gamotin. Bilang pangunahing control system ng katawan, ito ay napakaimportante sa kabuuang kondisyon ng katawan. At ang bungo mo na nagproprotekta dito ay wala nang espasyo para sa pamamaga nito.

3. OSTEOARTHRITIS

Ang osteoarthritis at congestion ay isang karaniwang dahilan ng pamamaga ng paa. Pero hindi ibig sabihin ay isasawalang bahala mo na ito. Ang osteoarthritis sa paa ay magdudulot ng pananakit, pagtigas, pamamaga at paglambot.

Tinatawag din itong “wear and tear” arthritis, at isa sa karaniwang uri ng rayuma. Kilala rin ito bilang isang degenerative joint disease o age-related na rayuma, ang osteoarthritis ay mas madalas mangyari sa matatanda. Ang pamamaga at pinsala sa mga kasukasuan ay nagdudulot ng pagkasira sa cartilage tissues at nagreresulta sa sakit, pamamaga at pagbago ng hugis. Ang pagbabago ng osteoarthritis ay nangyayari unti-unti sa paglipas ng taon pero may ilang pagkakataon na hindi naman ito nangyayari.

Ang mga sintomas ng osteoarthritis sa paa at bukong-bukong ay:

Paglambot o pananakit
Hirap sa paggalaw, paglakad o pagbuhat
Matigas na kasukasuan
Pamamaga sa kasukasuan

4. HEART FAILURE


Ang heart failure ay nagpapakita ng mga sintomas katulad ng pamamaga ng paa. Sinabi ng American Heart Association na ang sintomas ng heart failure ay ang akumulasyon ng tubig na kung tawagin ay edema. Ang fluid retention na ito ay ang nagiging dahilan ng pamamga ng hita, bukong-bukong at paa.

Tinatawag din ito na congestion heart failure o CHF, nangyayari ito kung hindi na makapagpalabas ng wastong dugo ang puso na kinakailangan ng katawan. Ang mga senyales at sintomas nito ay kahirapan sa paghinga, sobrang pagkapagod at pamamaga ng paa.

Dahil ang paa ay isa sa dependent na parte ng katawan, ang mga tubig ay unang naiipon sa paa at bukong-bukong na nagreresulta sa pamamaga nila. Tinatawag ito na dependent edema. Kung nangyari ito baka hindi na magkasya ang sapatos ng isang tao, ang ang mga medyas ay mag-iiwan ng marka sa paa pagkatapos itong isuot ng ilang oras. Kung mas marami ang tubig na naiipon mas lumalala ang heart failure at mas mamamaga ang mga paa. Kung hindi na makagalaw sa kanyang upuan o kama ang isang tao, ang pamamaga ay makikita rin sa puwit at likod.


5. CELLULITE

Ang cellulite ay makikita bilang fracture-like densities sa mga fatty tissue sa ilalim ng balat. Ang cellulites ay maaaring maapektuhan ang ikababang bahagi ng hita at magdulot ng pamamaga ng balat.

Edematous Cellulite

Ito ay hindi pangkarinawan na tipo ng cellulite at isa sa pinakamahirap gamotin. Nagreresulta ito sa hindi wastong sirkulasyon ng dugo na pinapalala ng sobrang fluid retention. Madalas itong mangyari sa paa kung kailan nagbabago ang hugis nito at nagiging pantay. Ang balat ay nagiging malapot at masakit kung hawakan o kung nakaupo ng matagal ang tao na mayroon nito.

Mga apektadong lugar: hita at tuhod, pero mas madalas ito sa lower legs kung saan nagbabago ang hugis nito.

Edad kung kailan nangyayari: Mga 20 o 30.

Itsura: Parang espongha na goma.

Pakiramdam: Ang balat ay parang espongha sa pakiramdam at masakit kung hawakan. May mga indiskasyon ng venous at lymphatic insufficiency sa mga hita (water-retention, pamamaga, varicose veins, crams, atbp.)

Solusyon/Panlunas: Ang edematous cellulite ay malapit ang kaugnayan sa problem sa sirkulasyon at fluid retention, kaya importante na mabigyan ng lunas ang mga kondisyon na ito. Ang varicose veins ay maaaring lumabas din at kailangan din na hanapan ng solusyon. Ang hindi masyadong mabigat o katamtaman na pag-eehersisyo, cycling, paglakad o paglangoy ay rekomandado. Makakatulong din ang mga compression stockings, pagshower sa palipat-lipat na gamit sa mainit at malamig na tubig at venotonic supplements katulad ng ginseng, butcher’s broom (ruscus) at horse chestnut, na makakatulong para mapantay ang pader ng mga ugat. Ang mga pagkain na nagpapalala sa fluid retention ay dapat iwasan katulad ng maasin at processed foods at mga fizzy drinks. Ang lymphatic drainage at acupressure ay mahalaga, at mga herbal teas katulad ng horsetail at green tea ay makakatulong para mabawasan ang fluid retention.

6. GOUT


Nangyayari ito kapag may sobrang akumulasyon o naipon na uric acid sa katawan at magdudulot ito ng pamamaga ng kasukasuan, ayon sa National Institute of Arthritis.

Ang gout ay isang uri ng rayuma na madalas na nakakaapekto sa hinlalaki ng paa sa mga kalalakihan. Nagdudulot ito ng biglang pananakit ng isa sa mga kasukasuan, o paninigas at pamamaga ng isa o marami pa dito. Ang pag-atake nito ay mangyayari ng madalas kapag hindi ito nagamot. Sa kinalaunan, sa paglala nito ay maaaring makasira ito ng lubusan sa tendons, joints at soft tissues mo.

Kung sobrang dami ang uric acid sa dugo mo ay nagdudulot ito ng gout. Madalas hindi ito nakasasama at karamihan sa tao na mataas ang uric acid sa dugo ay walang alam dito. Kapag ang antas ng uric acid sa dugo ay sobrang taas na, mabubuo ito sa crystals. Ang mga crystals na ito ay karaniwang nabubuo sa mga kasukasuan lalo na sa parte ng hinlalaki ng paa. Mas malaki ang tiyansa mong magkaroon nito kung sobrang taba ka, umiinom palagi ng alak o palaging kumakain ng karne at isda na puno ng kemikal na kung tawagin ay purines.

7. BURSITIS

Ang esophageal inflammation na ito ay madalas nangyayari sa mga parte ng katawan katulad ng tuhod, braso at siko, mga daliri sa paa at sakong.

Ang bursitis ay ipinangalan sa bursa, na isang fluid-filled cushion na nagproprotekta sa kasukasuan ng katawan. Nakakatulong ito para mabawasan ang mga puwersa na pumipisil sa mga kasukasuan para hindi ito mapinsala.

Pero kapag namaga ang bursa at hindi na nito maprotektahan ng maigi ang mga kasukasuan, maaaring magdulot ito ng iritasyon at pamamaga sa paligid ng bahaging ito. Ang bursitis ay karaniwang nangyayari sa siko, braso, baywang, tuhod at paa.

8. RHEUMATOID ARTHRITIS

Ito ay isang uri ng rayuma na nagsisimula sa paa. Ang mga tao na may kondisyon na ito ay magkakaiba ang mga sintomas sa isa’t isa.

Ito ay isang autoimmune disease. Ang ibig sabihin nito ay inaatake ng immune system ang sarili nitong tissues. Sa RA, ang depensa na katawan sa impeksyon ay siyang sumisira sa normal tissue (katulad ng cartilage at ligaments) at nagpapalambot sa buto.

Ang mga kasukasuan sa katawan mo ay natatakpan ng mga lining na kung tawagin ay synovium na pampadulas dito para mas madaling makakilos ang tao. Ang rheumatoid arthritis ay nagdudulot ng overactivity sa mga lining na ito at nagreresulta sa pamamaga at pagkasira ng mga kasukasuan pati na rin sa mga ligaments at iba pang mga tissues na nagsusuporta dito. Ang mahinang ligaments ay nagreresulta sa pagbabago ng hugis katulad ng claw toe o hammer toe. Ang paglambot ng mga buto (osteoapenia) ay magreresulta sa stress fractures at collapse ng mga buto.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments