13 SIKRETONG PARAAN PARA MAGAMIT ANG BAKING SODA PARA SA NAKAKA-AKIT NA BUHOK AT BALAT

SPONSORED LINKS
Ang baking soda ay kilala na bilang isang mabisang kagamitan para sa ikalulunas ng maraming uri ng karamdaman at sakit. Maliban dito ay magagamit din ito sa lutuin at sa paglinis ng mga kasangkapan sa bahay. Pero alam mo ba na maaari mo rin itong magamit para sa ikagaganda ng buhok at balat mo?



Ang maganda dito ay napakamura lamang nito at madaling makikita sa pamilihan. Napakarami ang pakinabang nito kaya madalas mo itong makikita sa kahit saan na bahay.

METHOD 1: PAMPAPUTI NG NGIPIN

Isa ito sa popular na kagamitan ng baking soda. Madali nito na tatanggalin ang mga mantsa sa ngipin mo. Kung nag-aalala ka na baka mapinsala ang gums at ngipin mo dahil dito ay maaari mo itong sabayan ng coconut oil na gagana bilang pampadulas.

Mga sangkap:

2 tablespoon ng baking soda
2 tablespoons ng coconut oil

Preparasyon:

Maglagay ng 2 tablespoon ng baking soda sa isang bowl
Dagdagan ito ng 2 tablespoon ng coconut oil.
Haluin ito ng mabuti hanggang makagawa ng isang paste.

Paggamit:

Ilipat ang pinaghalo na ito sa isang mahigpit na lalagyan para maitago ng mabuti.
Gamitin ito sa toothpaste mo at gamitin na pangsipilyo sa ngipin ng hindi kukulang sa 2 minuto.
Magmumog ng tubig pagkatapos.

METHOD 2: PANLUNAS PARA SA ACNE

Mabisang gamitin ang baking soda sa acne lalo na sa mga tao na malangis ang balat. Magbibigay ito ng exfoliation at deep cleanse sa balat, tatanggalin ang mga dumi, sebum at dead skin cells na maaaring bumara sa mga skin pores.

Dahil nakakatuyo ito para sa ilang klase ng balat, sabayan ito ng coconut oil para maiwasan ang masamang reaksyon dito. Ang antibacterial na katangian ng coconut oil ang makakatulong para matanggal ang mga acne.

Mga sangkap:

1 teaspoon ng baking soda
1 tablespoon ng virgin coconut oil

Preparasyon:

Maglagay ng 1 tablespoon ng baking soda sa isang bowl
Dagdagan ito ng 1 tablespoon ng coconut oil.
Haluin ito ng mabuti hanggang makagawa ng isang paste.

Paggamit:

Ipahid ang isang manipis na layer ng paste na ito sa mukha mo, lalo sa mga bahagi na puno ng acne gamit ang isang cotton ball.

Pabayaan itong gumana ng ilang minuto bago hugasan ang mukha ng malamig na tubig.

Gawin ito ng hindi kukulang sa isang beses bawat araw sa isang linggo. Kaagad-agad kang makakapansin ng pagbabago pagkalipas lang ng ilang araw ng paggamit sa panlunas na ito.

METHOD 3: PAMPAPUTI NG BALAT

Ang pinaghalo na baking soda, lemon juice, coconut oil at tea tree oil ay makakatulong para mapaputi ang maitim na balat. Matatangal rin nito ang peklat na gawa ng acne, dark spots at mga blemishes at pabubutihin din nito ang skin tone. Ang baking soda ang tatanggal sa dead skin layer habang ang lemon ang gagana bilang toner at bleach. Ang coconut oil at tea tree oil ang magbabalik sa moisture sa balat at makakatulong din para sa ikabubuti ng kalusugan ng balat para maiwasan ang mga posibleng maging karamdaman dito.

Mga sangkap:

2 tablespoons ng baking soda
1 tablespoon ng lemon juice
½ teaspoon ng coconut oil
5-6 patak ng tea tree oil

Preparasyon:

Maglagay ng 2 tablespoon ng baking soda sa isang bowl.
Dagdagan ito ng 1 tablespoon ng lemon juice.
Ilgay ang ½ teaspoon ng coconut oil pagkatapos.

Paggamit:

Lagyan ito ng 5-6 patak ng tea tree essential oil.
Ihalo silang mabuti para makagawa ng isang paste.
Ilagay ito sa isang mahigpit na lalagyanan para itago.
Gumamit ng kaunting paste para sa balat na nais mong pumuti.
Pabayaan ng ilang sandali bago mo marahan na kuskusin ang balat gamit ang mga daliri mo.
Hugasan ito ng maligamgam na tubig pagkatapos.
Gawin ito ng 2-3 beses bawat linggo sa isang buwan para sa pinakamainam na resulta.


METHOD 4: PANGTANGGAL NG MABAHONG AMOY NG KATAWAN

Pagdating sa pambango, ang baking soda ay mabisa para dito. Kung nahihirapan kang tanggalin ang mabahong amoy ng katawan, gumamit ng kombinasyon na baking soda at cornstarch. Ang cornstarch ay makakatulong para sa ikatutuyo ng balat para hindi dumami ang mga odor causing bacteria.

Ang baking soda ay hinihigop lahat ng mababahong amoy kaya epektibo rin itong gamitin para mapabango ang masisikip na lugar tulad ng maleta at pridyeder.

Mga sangkap:

¼ cup ng baking soda
¼ cup ng cornstarch

Preparasyon:

Maglagay ng 1/3 tasa ng bawat sangkap sa isang lalagyanan.
Paghaluin sila ng mabuti gamit ang isang kutsara.

Paggamit:

Itago ang DIY body odor removal na ito sa isang luma na talcum powder jay para madaling maitago at magamit.

Gamitin ito sa mga kilikili at iba pang sobrang pinapawisan na parte ng katawan para matanggal ang mabahong amoy dito.

METHOD 5: PARA MAGING MASIKIP ANG MALALAKI NA SKIN PORES

Ang malalaki na pores ay hindi kaaya-ayang tingnan. Mas nagiging malaki ang problemang ito sa mga ito na malangis ang balat dahil mas madali na mababarahan ng sebum at dumi ang mga pores na magdudulot ng pagkalat ng acne. Ang baradong mga pores ay malalaki kung tingnan. Walang permanente na solusyon dito pero para sa exfoliation at deep cleanse ay magagamit mo ang baking soda para dito.

Paggamit:

Lagyan ng baking soda ang isang maliit na bowl.
Buhusan ng kaunting dami ng maligamgam na tubig para makagawa ng isang paste.
Gamitin ito sa mga apektadong bahagi ng balat. Masahihin ito gamit ang dulo ng mga daliri sa paikot-ikot na galaw.
Hugasan ito ng malamig na tubig pagkatapos para lumiit ang mga pores. Patuyuan at gamitan ng light moisturizer.

Gawin ito ng hindi kukulang sa isang beses bawat araw sa buong linggo. Kapag kontrolado na ang sitwasyon ay maaari mo na itong ulitin ng isa o dalawang beses sa isang linggo para hindi na mabarahan ang pores mo.

METHOD 6: GUMAMIT NG HEAT RASH TREATMENT

Kung ang mainit na panahon ay binibigyan ka ng heat rashes, magagagamit mo ang baking soda para mapalamig ang pakiramdam mo. Tatanggalin ng baking soda ang bara na pawis sa mga pores at puksain ang mga kumakalat na bakterya sa rashes. Aalisin din nito ang pangangati sa bahagi na may heat rashes.

Preparasyon:

Maglagay ng hindi kukulang sa 2 tablespoon ng baking soda sa 2 tasa ng tubig.
Haluin ito ng mabuti para malusaw ang baking soda sa tubig.

Paggamit:

Ibabad ang malambot na tuwalya dito at pigain ang sobrang tubig.
Ipatong ang basang tuwalya sa ibabaw ng balat na apektado ng heat rash.
Pabayaan itong gumana ng ilang minuto.
Kapag natuyo ang towel ay ibabad ito uli sa tubig at gamitin uli sa balat.
Gawin ito ng 4-5 beses bawat araw hanggang mawala ang pagpapantal na gawa ng sobrang init na araw.

METHOD 7: PARA MATANGGAL ANG WHITEHEAD

Ang baking soda ay napakaepektibo na gamitin para matanggal ang whiteheads dahil inaalis nito ang mga bumabara sa pores tulad ng sebum, dumi at kahit mga dead skin cells.

Ang lemon ay gagana bilang toner at cleanser, habang ang honey ay tutulong sa pagpapaginhawa at paghydrate sa balat.

Mga sangkap:

2 tablespoons ng baking soda
1 tablespoon ng honey
2 teaspoons ng lemon juice

Preparasyon:

Maglagay ng 2 tablespoons ng baking soda sa isang bowl.
Dagdagan ito ng 1 tablespoon ng honey.
Pagkatapos ay ilagay ang 2 teaspoon ng lemon juice dito.

Paggamit:

Paghaluin lahat ng sangkap para makagawa ng isang pinong paste.
Ilagay ito sa isang lalagyan para maitago.
Gamitin ito para masahihin ang balat na apektado ng whitehead ng ilang minuto.
Pabayaan itong gumana ng ilang sandali bago hugasan ng tubig at patuyuin.
Gawin ito ng 2-3 beses bawat linggo ng 2 linggo para matanggal lahat ng whiteheads.


METHOD 8: PARA MATANGGAL ANG BLACKHEADS

Ang blackheads ay madalas hindi nakakasira ng balat, pero dahil sa mga ito magmumukha ito na pangit. Gumamit ng baking soda at sugar based na exfoliation par matanggala ang sebum, dumi at dead skin cells na bumabara sa mga skin pores na makikita mo bilang blackheads.

Mga sangkap:

2 tablespoons ng baking soda
2 tablespoons ng granulated sugar
4 tablespoons ng tubig

Preparasyon:

Maglagay ng 2 tablespoons parehas ng baking soda at asukal sa isang bowl.
Pagkatapos nito ay lagyan ito ng 4 tablespoon ng tubig.

Paggamit:

Ihalo lahat ng mabuti ang lahat ng sangkap.
Ilipat ito sa isang lalagyan.
Gamitin ito para masahihin ang bala kung saan may mga blackheads ng hindi kukulang sa 2-3 minuto bago hugasan ng tubig at patuyuin.

Gamitin ito ng 2 beses bawat linggo sa loob ng 2-3 linggo para matangal lahat ng blackheads sa balat mo.

METHOD 9: GUMAWA NG ISANG BATH BOMB

Nakakatuwa kung gagawa ka ng isang bath bomb, at magagamit mo dito ang baking soda. Kung gusto mo ng kaunting kasiyahan at magkaroon ng sarili mong spa sa bahay ay dagdagan lamang baking soda ang tubig na pangligo mo, ang citric acid sa baking soda ay magkakaroon ng reaksyon at magbibigay ng malamig na fizzling effect.

Maaari ka rin na gumamit ng almonds, niyog, apricot at avocado oil sa halip na olive oils para sa resipe na ito. Maaari kang gumawa ng sarili mong bath bombs na may mabangong amoy at kulay na gusto mo. Magagamit mo ang micas, clays at iba pang natural colorants sa halip na food coloring para sa kulay nito.

Bukod dito, magagamit mo rin ang baking soda para makagawa ng isang Vicks shower para sa ikagiginhawa ng pakiramdam sa congestion.

Mga sangkap:

1 cup ng baking soda
½ cup ng citric acid
½ cup ng Epsom salt
½ cup ng corn flour
2 tablespoons ng tubig
2 tablespoons ng olive oil
10-12 patak ng essential oil na gusto mo
Ang pinili mon na food color
Measuring spoon
Mixing bowl
Maliit na spray bottle
Mold

Preparasyon:

Ilagay baking soda sa isang ceramic o babasagin na mixing bowl.
Dagdagan ito ng ½ tasa ng epsom salat at corn flour.
Ilagay din dito ang citric acid.
Haluin ito ng mabuti. Magagamit mo rin ang isang whisk para dito.
Ilagay ang 2 tablespoon ng tubig at olive oil sa isang maliit na spray bottle.
Dagdagan ito ng 10-12 patak ng essential oil na gusto mo.
Patakan ito ng pinili mo na food coloring. Unti-unting ihalo ito hanggang makuha mo na ang kulay na gusto mo.
Ibalik ang nozzle sa bote at kalugin ito ng mabuti.

Paggamit:

Gamitin ito bilang spray sa mga tuyo na sangkap at haluin ng mabuti. Unti-unti mong ibuhos ang tubig para hindi magkaroon ng mga pamumuo ng mga lumps.
Pagkatapos nito ay maaari mo na itong isama sa buong solusyon.
Pigain ang kaunting dami nito sa palad mo. Kapag namuo ang mga ito ay maaari mo na itong magamit sa mga molds.
Pumili ng gusto mo na molds para mabigyan ng hugis ang bath bombs mo.
Kutsarahin ang solusyon sa magkabilang bahagi ng molds. Pisilin ito gamit ang likod ng kutsara para mahigpit ang kinalalagyan nito sa mold.
Pisilin ang dalawang hati ng mold para dumikit sila ng mahigpit.
Punuin ito gamit ang ginawa mo na solusyon.

Tanggalin ang sobrang moisture sa gilid ng molds gamit ang mga daliri mo. Pabayaan ito ng ilang sandali para matuyo sa hugis ng mold.
Marahan na tapikin ang tabi ng mold para kumawala ang bath bomb dito.
Patuyuan ang mga ito sa isang mahangin na lugar pero malayo sa moisture ng hindi kukulang sa 1-2 araw depende sa klima.
Balutin ang mga ito ng mahigpit gamit ang plastic wrap at itago sa isang air-tight container.
Kapag naitago mo na ito, maaari itong magtagal ng 4-5 buwan.


METHOD 10: GAMITIN BILANG FACE WASH

Maaari mong ipalit ito sa mga nabibili na facial wash. Gumawa ng isang DIY baking soda facial wash para makamura at maging ligtas sa mga kemikal na makikita sa mga commercial products.

Ang baking soda at coconut oil ay kilala dahil sa skin cleansing properties nila. Ang coconut oil ay pinapanatili ang moisture sa balat kung sinabayan ito sa paggamit ng baking soda.

Ang essential oils ay nakakapasigla ng balat at may antimicrobial at anti-inflammatory na katangian din para sa ikasasariwa ng mukha mo.

Mga sangkap:


3 tablespoons ngf baking soda
1 tablespoon ng coconut oil
8-10 patak ng tea tree essential oil
3-4 patak ng lemon essential oil

Preparasyon:

Lagyan ng 1 tablespoon ng coconut oil ang 3 tablespoon ng baking soda.
Dagdagan ito ng 8-10 patak ng tea tree oil at 3-4 patak ng lemon essential oil.

Paggamit:
Haluin ng mabuti ang lahat ng sangkap.
Ilagay ito sa isang mahigpit na jar.
Gumamit ng 1-2 teaspoon nito para masahihin ang mukha gamit ang paikot-ikot na kilos.
Magagamit mo ito ng madalas bilang facial wash.

METHOD 11: GAMITIN BILANG ISANG FACIAL SCRUB

Gumagamit ito ng baking soda na may kasama na green tea at oatmeal para mabigyan ka ng isang kumpletong exfoliation. Ang baking soda ay nagtatanggal sa mga bara sa pores, ang oatmeal ang marahan na nagbibigay ng exfoliation sa balat at ang green tea ay para ma-rehydrate ng balat. Ang green tea at oatmeal ay nakakapagpaginhawa ng balat.

Mga sangkap:
2 tablespoons ng baking soda
¼ cup ng powdered oatmeal
¼ cup ng green tea

Preparasyon:

Maglagay ng 2 tablespoon ng baking soda sa isang bowl.
Dagdagan ito ng ¼ tasa ng powdered oatmeal.
Lagyan din ito ng ¼ tasa ng tsaa.

Paggamit:

Haluin ng mabuti ang lahat ng sangkap.
Ilagay ito sa isang mahigpit na jar.
Gamitin ang facial scrub na ito ng hindi kukulang sa isa o dalawang beses bawat linggo para maging makinis ang balat ng mukha.

METHOD 12: PARA MAIWASAN ANG GREASY HAIR

Kapag nag-overdrive ang sebaceous glands sa buhok mo, magreresulta ito sa greasy o malangis na buhok na mahirap suklayin. Ang baking soda ay makakatulong para matanggal ang grease sa buhok at ang mga akumulasyon ng dumi dito para magmukha itong dalisay at malinis.

Paggamit:


Lagyan ng baking soda ang isang bowl at kaunti na tubig.
Haluin ito ng mabuti para makagawa ng isang paste.
Gamitin ito sa anit ng ulo o scalp gamit ang hair dye brush o mga daliri mo.
Paaraan itong gumana ng ilang minuto bago hugasan ng tubig.
Gawin mo ito ng 2 beses bawat linggo para maiwasan ang greasy hair.

METHOD 13: GAMITIN BILANG ISANG DANDRUFF TREATMENT


Kapag naihalo ang baking soda sa lemon juice, makakagawa ka ng isang epektibong panlunas para sa dandruff. Mapipigilan din nito na bumalik ang fungal growth sa scalp na nagdudulot ng dandruff.

Mga sangkap:

Baking soda
Lemon

Paggamit:

Lagyan ng baking soda ang isang maliit na bowl at pigain ang isang lemon dito.
Kung tumigil na ang pagbubula nito ay haluin ng mabuti para makagawa ng isang paste.
Gamitin ito sa anit ng ulo sa pamamagitan ng mga cootn balls, masahihin ang paste na ito sa mga ugat ng buhok.
Pabayaan ito ng ilang minuto bago hugasan ng tubig.
Gawin ito ng hindi kukulang sa 1 beses bawat linggo sa isang buwan para sa pinakamainam na resulta.

Tips:

Siguraduhin mo na wala kang alerhiya o sensitivity sa baking soda bago ito gamitin sa balat.
Kapag gumamit ka ng mga panlunas na nabasa mo na may kasama na lemon ay gumamit ng sunscreen dahil mas nagiging sensitibo ang balat sa araw dahil sa lemon juice.
Kung gumagawa ka ng bath bombs, dapat nakahanda na lahat ng resipe para mabilis at wasto mo itong magagawa.
Ang dami ng tubig ay dapat nakaayon sa temperatura ng paligid mo.
Gumamit ng babasagin na mga bowl at hindi plastic dahil maamoy ang mga ito.
SPONSORED LINKS

0 comments