8 EPEKTIBONG HOME REMEDIES PARA SA URINARY TRACT INFECTION (UTI)

SPONSORED LINKS
Ang urinary tract infection o UTI ay isang madalas na problema ng tao sa kasalukuyang panahon. Ang lalake at babae ay parehas na puwedeng magkaroon ng UTI pero mas delikado ito pagdating sa mga kababaihan.



Ang UTI ay nangyayari kapag ang pantog at ang mga dinadaluyan ng ihi dito ay napuno ng bakterya. May ilang mga dahilan kung papaano ito nakukuha tulad ng pakikipagtalik, matagal na pagpigil sa ihi, pagbubuntis, kung ang isang babae ay nasa menopausal stage at pagkakaroon ngdiabetes.

Importante na maagapan ito kaagad para hindi na lumala ang impeksyon at masira ng husto ang mga kidneys.

Ito ang walong (8) pinaka-epektibong home remedies para UTI:

1. Apple Cider Vinegar
Ang Apple Cider vinegar o ACV ay puno ng enzymes, potassium at maraming mineral na mabisang panlaban sa mga bakterya na nagiging dahilan ng UTI. Ang mga tao na nakararanas nito ay maaaring gumamit ng ACV bilang isang natural antibiotic treatment para sa impeksyon na ito.

2. Cranberry Juice

Ang pag-inom sa kalahati sa baso ng cranberry juice araw-araw ay isa sa pinakamadaling paraan para maiwasan ang UTI. Kung meron kang UTI ay uminom lamang ng 3-4 baso ng cranberry juice ng madalas para mapigilan ang paglala ng impeksyon sa bato.

3. Baking Soda


Ang baking soda ay may kakayahan na pataasin ang ang acid-base balance ng isang acidic na ihi at para rin sa ikagiginhawa ang pakiramdam mo sa pamamagitan ng pagbawas sa nararamdaman na sakit. Ang pagbalanse sa acidity ng ihi ay makakatulong para mas makarekober ng mabilis ang katawan. Ihalo lamang ang baking soda sa isang baso ng tubig at inumin ito ng madalas na hindi kukulang sa isa o dalawang beses.


4. Tea Tree Oil

Ang tea trea oil ay may mga antibacterial properties na nilalabanan ang mga bakterya na nagdudulot ng impeksyon sa pantog tulad ng UTI. Maglagay ng 10 patak ng tea tree oil sa pangligo mong tubig at gamitin ito para malinis ang pasukan ng urethra.

5. Blueberries

Ang taglay nito na mga antioxidants ay pinatitibay ang immune system at pinipigilan din ang pagkalat ng mga bakterya na nagdudulot ng UTI.

Ihalo ang ilang sariwang blueberries sa pangaraw-araw mong kinakain o sa cereal mo sa umaga. Maaari mo rin itong inumin bilang juice sa araw-araw, sa umaga at sa gabi para sa pinakamainam na resulta.

6. Pineapple

Ang pag-inom ng isang tasa pineapple juice araw-araw ay makatutulong para maiwasan ang UTI. Mas mabisa kung sariwa na pinya ang gagamitin mo kesa sa mga de lata dahil marami itong laman na preservatives.

7. Hot Water Compress

Maglagay ng mainit na tubig sa isang flexible water bottle. Ipatong ito sa lower abdomen mo ng ilang minuto. Maaari ka ring maglagay ng hot pad dito para maibsan ang sakit.

8. Water

Uminom ng maraming tubig kung may UTI ka. Subukan mong uminom ng hindi kukulang sa 8-10 baso ng tubig araw-araw. Mas maiihi ka ng madalas dahil dito pero kailangan ito para sa ikalulunas ng sakit na ito.

Epektibo ang mga panlunas na ito pero kung maaari ay kumunsulta muna sa doktor bago ito subukan.
SPONSORED LINKS

0 comments