ALAMIN ANG MGA PANGUNAHING PAGKAKAIBA NG CARDIAC ARREST, HEART ATTACK AT STROKE!

SPONSORED LINKS
Dahil malubhang mga karanasan ang mga ito ay dapat mo lang malaman kung ano talaga ang pagkakaiba ng cardiac arrest, heart attack at stroke.



Dapat matutunan nating lahat kung ano ang mga maaaring maging dahilan kung bakit nangyayari sila at kung ano ang magagawa natin para maiwasan o mapigilan itong mangyari.

CARDIAC ARREST: ITO AY ISANG KARAMDAMAN NA MAY KAUGNAYAN SA ELECTRICAL SYSTEM NG PUSO.

Nangyayari ito kapag ang kalamnan ng puso ay hindi na gumagalaw ang kalamnan sa puso dahil tumigil na ang electrical system ng puso. Ito ay maaaring magpatuloy sa arrhythmia o irregular na tibok ng puso at kahit ang lubos na paghinto ng pagtibok ng puso. Ang mga tao na nakararanas nito ay maaaring mamatay sa loob lamang ng ilang minuto kapag hindi naagapan. Kapag ang puso ay walang kakayahan na magdala ng wastong dugo sa buong katawan ay mawawalan ng supply ng oxygen ang maraming baghagi ng katawan lalo na ang utak kung saan masisira ito dahil sa cellular death.

Ang karaniwang sintomas ay kahirapan sa paghinga at kawalan ng malay. Sa US, sinabi ng mga eksperto na may halos 360,000 kaso ng cardiac arrrest ang nangyayari sa labas ng hospital bawat taon. Ang mga risk factors nito ay ang edad, gender, family history, coronary heart disease, may kasaysayan sa sakit na arrhythmia, paninigarilyo o paggamit ng droga at pag-inom ng alak.

HEART ATTACK: ITO AY ISANG KARAMDAMAN NA MAY KAUGNAYAN SA BLOOD SUPPLY SA PUSO

Ito ay nangyayari kapag may isa o dalawang bahagi ng puso na hindi nabigyan ng sapat na dami ng oxygen dahil sa maliit na daloy ng dugo. Dahil ito sa mga bara sa arteries na papunta sa puso at ang mga arteries na ito ang may kagagawan sa pagdala ng dugo sa buong katawan. Ang mga bara na ito ay dahil sa naipon na plaque at kolesterol sa inner arterial wall o maaaring dahil ito sa blood clot o pamumuo ng dugo na napunta sa mga blood vessels na papunta sa puso.


Dapat maagapan o mabigyan ng panlunas kaagad ang mga tao na nakararanas nito. Kapag tumagal pa ang sitwasyon ay maaaring mas lalong makasira pa ito sa kanilang katawan.

Ang mga sintomas ng atake sa puso ay ang mabigat at mahigpit na pakiramdam sa dibdib, sakit na umaabot hanggang balikat, braso, itaas na likod at panga, kahirapan sa paghinga, malamig na pawis, pagkahilo at sobrang pag-aalala. Hindi katulad ng cardiac arrest na tumitigil sa pagtibok ang puso. Ang mga risk factors nito ay ang edad, gender, family history, mataas na blood pressure, obesity, stress, hindi aktibong lifestyle o hindi wastong diet.

STROKE: ISANG KARAMDAMAN NA MAY KAUGNAYAN SA NAABALA O SOBRANG LIIT NA DALOY NG DUGO SA UTAK
Nangyayari ang stroke kapag ang isang parte ng utak ay hindi nabigyan ng wastong dami ng oxygen. Ito ay dahil sa isang bloot clot o namuong dugo na nakarating sa ilang mga blood vessels na makikita sa utak. Kapag naipit ito ay hihina o titigil ang daloy ng dugo papunta sa utak. May isa ring sitwasyon na kung tawagin ay hemorrhagic stroke kung saan may nasira o nabutas na blood vessel sa utak. Ito ay isang malubhang karamdaman at dapat maagapan o mabigyan kaagad ng tulong medikal ang mga tao na nakararanas nito para hindi magresulta sa mga komplikasyon tulad ng paralysis o panghihina ng kabilang parte ng katawan.

Ang mga sintomas ng stroke ay ang pagkahilo, hirap sa pagbalanse, pagkalito, hirap magsalita o panghihina ng mukha o kabilang bahagi ng katawan. Sa Amerika, ang stroke ay isa sa pangunahing dahilan ng long term at serious disability. Ang mga risk factors nito ay edad, gender, family history, race, nagstroke dati o temporary ischemic attack o TIA, diabetes, mataas na blood pressure, paninigarilyo, pagiging lasenggo, sobrang taba at mga isyu sa dugo.
SPONSORED LINKS

0 comments