ANG APAT (4) NA HALAMAN NA ITO ANG MAGPROPROTEKTA SA IYONG UTAK LABAN SA ALZHEIMER'S, DEPRESYON, ANXIETY AT MARAMI PANG IBA

SPONSORED LINKS
Dahil masyado nang abala ang mga tao sa kasalukuyang panahon ay hindi nila namamalayan na masyadong stressed na pala ang kanilang katawan at isip.



Ang utak ay nagproproseso ng marami at iba’t ibang impormasyon bawat araw at ang katawan naman ay babad sa trabaho, madalas ang kondisyon katawan at isip ay may kaugnayan sa isa’t isa.

Malaki ang epekto sa kalusugan ng isang tao kapag sila’y nakararanas ng matinding depresyon, sobrang pag-aalala at kulang sa pagtulog. Ang mga bilang ng tao na may mga kondisyon na ito ay dumarami na pati na rin ang may Alzheimer's disease.

May kakayahan ka na iwasan ang mga ito kung babaguhin mo ang uri ng pamumuhay mo kapag tinigil mo lahat ng masasamang bisyo at alisin lahat ng negatibong aspeto sa buhay mo. Mahalaga na marelaks ang isip at katawan para hindi ito maapektuhan ng sobrang stress.

Sa kabutihang palad, may mga natural na panlunas para dito na makatutulong para maiwasan o mabawasan mo ang stress sa iyong katawan. Napatunayan na ang bisa ng mga ito pagdating sa ikalulunas ng anxiety, depresyon, matinding stress at makapagpapalakas din ito ng isip.

Ito ang apat na herbs o halaman na makapagproprotekta sa iyong utak:

GINKGO BILOBA- MAIDENHAIR TREE

Ang halaman na ito ay palalakasin ang iyong memorya at mapapabuti nito ang sirkulasyon ng dugo sa iyong utak. Ito ay tinatawag din na “brain herb”. Maraming pag-aaral din ang makapagpapatunay na mabisa ang halaman na ito para sa mga tao na may dementia dahil sa inaayos nito ang mga nerve cells na nasira ng kondisyon na ito. May mga pagkakataon din na mas mabisa pa itong gamitin para sa Alzheimer's kung ikokompara sa mga nabibili na mga gamot.

ROSEMARY- “DEW OF THE SEA”

Ginagamit na ito bilang isang memory booster ng maraming taon. Mayaman ito sa iron, calcium at vitamin B. Magagamit din ito bilang langis, tsaa o maihahalo sa mga lutuin.

GINSENG- PANAX QUINQUEFOLIUS

Ang ginseng ay may mga brain boosting, mood enhancing at anti-inflammatory na mga components. Ipinakita rin sa mga pag-aaral na ang mga tao na may Alzheimer's at gumamit ng ginseng supplements sa tagal na 3 buwan ay naging mas mabuti ang kondisyon ng kaisipan.

PEPPERMINT

Marami itong magagawa para sa kalusugan ng tao at magagamit bilang panlunas sa bad breath at mga sakit sa tiyan. Ang dahon nito ay maaaring kainin o ihalo sa tsaa. Babawasan din nito ang sobrang pag-aalala ng isang tao, pakalmahin ang isip at tanggalin ang sobrang pagkapagod. Mas magiging maayos din ang antas ng oxygen sa dugo dahil dito at pati na rin ang blood pressure. Ito ay makapagpapaginhawa ng isip at katawan.
SPONSORED LINKS

0 comments