ANG FROZEN LEMON THERAPY NA ITO AY MAGAGAMIT MO PARA LABANAN ANG MGA MALULUBHANG SAKIT!

SPONSORED LINKS
Ang lemon ay isang citrus fruit na madalas gamitin ng mga tao para makagawa ng iba’t ibang klase ng juice. Bukod sa ginagamit din ito para mapabuti ang lasa ng mga lutuin ay nagbibigay din ito ng maraming magandang epekto sa kalusugan ng tao.



Mayaman ito sa anti-oxidants na kung tawagin ay flavonoids, ito ang pangunahing dahilan kung bakit kayang labanan nito ang maraming klase ng sakit at karamdaman. Kung pipigain ang katas nito ay mababawasan ng todo ang anti-oxidants na makikita dito kaya mas mainam kung itatago na lamang ito sa pridyeder.

Ang balat ng lemon ay gawa sa maraming compounds. Ang mga compounds na ito ay nagpapatibay ng immune system ng katawan at mabisa rin para mabawasan ang kolesterol ng isang tao. Ito ay magandang panlaban sa mga mikrobyo dahil sa anti-microbial effects nito na pinag-aralan ng mabuti sa mga laboratoryo at dito napatunayan ang pagka-epektibo nito.

Bukod dito, ang lemon ay maaaring magamit para sa isang detoxification process.

Ito ang ilan sa mga health benefits na maaaring ibigay ng lemons:


Pigilan ang pagkakaroon ng kanser
Bawasan ang tiyansa na magka-stroke
Bawasan ang pamamaga sa katawan
Palakasin ang immune system
Pigilan ang pagkakaroon ng astma
Pagpigil at panlunas sa depresyon at stress
Panlinis sa kidney
Ang mga lemon at kanser

Ang lemon ay puno ng vitamin C at mga nutrisyon. Ang balat nito ay may kakayahan na puksain at tanggalin sa katawan ang mga niipon na toxic materials sa katawan. Ito ang pangunahing dahil kung bakit ginagamit ito na alternatibong medisina para sa mga tao na may kanser. Ayon sa maraming pananaliksik na ginawa simula pa sa taon na 1970, napag-alaman na maaaring magamit ang lemon bilang panlunas sa kanser.


Dito rin nila sinubukan ang frozen lemon therapy na nakasira sa halos lahat ng uri ng cnacer cells tulad ng colon, breast, prostate, lung at pancreas cancer. Sinabi rin nila na naging mas epektibo pa ito kesa chemotherapy. At ang maganda pa dito ay dahil natural na paraan ito ay ligtas itong magagamit kung ikokompara sa chemotherapy kung saan halos ilagay na sa binggit ng kamatayan ang katawan mo para lang masira ang mga cancer cells na nabubuo sa loob nito.

Napag-alaman din nila na mas mabisa na gamitin ang balat ng lemon kesa sa katas nito. Ipinaliwanag ni Dr. Marilyn Glenville, isang nutritionist at ekspero pagdating sa kalusugan ng mga babae na ang balat ng lemon ay malaki ang pakinabang sa kalusugan ng isang tao. Sinabi niya sa isang panayam sa BBC Food na: “Karamihan ng anti-oxidant na laman ng lemon ay makikita sa balat nito at hindi sa kanyang laman.”

Idinagdag niya na, “Mas mabuti kung makakagawa ka ng isang smoothie sa halip na isang juice, dahil makukunsumo mo ang lahat ng prutas kasama na ang balat nito kaya walang kahit na anong nutrisyon ang masasayang dito.”

Maraming tao ang walang gusto sa balat ng lemon dahil mapait ito pero maaaring magbago ang isip nila kung malalaman nila kung ano ang magagawa nito para sa kanilang kalusugan.

Maraming madadaling paraan para mawala ang pait ng balat ng lemon:

Palamigin mo ito sa freezer.
Una, ibabad mo ang mga lemons gamit ang organic apple cider vinegar o baking soda.
Hugasan ito ng tubig pagkatapos at patuyuan gamit ang tuwalya.
Palamigin ito sa freezer sa magdamag hanggang magyelo.
Kapag nagyelo na ito ng lubusan ay maaari mo na itong kudkurin.
Ilagay ang mga piraso ng grated lemons sa isang ice cube tray at itago na naman sa freezer.
Maaari mo itong gamitin kahit ano ang ginagawa mo o habang kumakain ka.

Ang balat ng lemon ay magagamit din para maging mas masarap ang mga lutuin. Maaari mo rin na gamitin ang grated lemons sa salads, sopas, yoghurt, pasta sauce at mga homemade ice creams. Dagdagan mo ng isang kutsarita ng grated lemons ang smoothie, juice o tsaa mo para mas mapabuti ang lasa nito. Magagamit din ito para sa mga baked goods. Talagang isang biyaya ng kalikasan ang mga lemons dahil bukod sa masarap ito ay puno pa ng pakinabang para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga tao.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments