ANIM (6) NA PAGKAIN NA MATUTULUNGAN KANG LABANAN AT PIGILAN ANG PAGKALAT NG CANCER CELLS SA KATAWAN MO

SPONSORED LINKS
Ang cancer ang isa sa pinakamalubhang mga sakit sa mundo at mariin itong iniiwasan ng maraming tao dahil wala pang nakikitang panlunas para dito. Sa artikulo na ito ay mababasa mo kung ano ang mga bagay na magagamit mo para matulungan kang labanan o pigilan ang pagkakaroon ng sakit na ito.



Ito ang listahan ng anim (6) na nakamamanghang pagkain na matutulungan ka para dito:

Kamatis

Ayon sa isang pag-aaral, ang madalas na pagkunsumo sa kamatis ay nakapagpapababa ng tiyansa na magkaroon ng prostate cancer ng halos 50%. Pinipigilan nito ang pagkalat at paglaki ng mga cancer cells dahil mayaman ito sa lycopene.

Ang lycopene ay nagagamit sa buong katawan lalo na sa tiyan kung saan tumutulong ito para malusaw ang mga taba. Mas mabisa pa ang kamatis para dito kung lulutuin ito mas tumataas ang konsentrasyon ng lycopene dito.

Dark Chocolate

Ang maitim na tsokolate ay hindi lang matamis at masarap dahil makabubuti rin ito para kalusugan. Mainam itong gamitin para mapabuti ang kalusugan ng puso at para rin mas mabisang malabanan ng katawan ang pagkalat ng mga cancer cells.


Green Tea at Kape

May laman ang mga ito na caffeine na nagbibigay ng karagdagang enerhiya sa katawan at epektibong nakatutulong sa katawan para pigilan ang pagdami ng cancer cells sa katawan ng karamihang tao.

Turmeric

Marami na ang nakapagpatunay sa bisa ng paggamit turmeric para sa ikakalunas ng maraming karamdaman at sakit. Magagamit din ito ng mga gustong pumayat at makatutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng kanser.

Raspberry at Blueberry

Ang dalawang ito ay magagamit para sa ovarian cancer dahil ang mga phytochemical contents nito ay nakapipigil sa paglaki o pagdami ng cancer cells sa katawan.

Soursop

Marami ang nagdududa kung magagamit nga ba ang soursop na nag-iisa para sa ikalulunas ng kanser ng tao. Pero dahil nga isa itong anti-cancer agent ay magagamit ito kasabay ng kahit na anong anti-cancer therapy o chemotherapy drugs.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments