AYON SA MGA PSYCHOLOGISTS, ANG MGA TAO NA MADALAS UMIYAK AY MAY KAKAIBANG KATANGIAN NA ITO!

SPONSORED LINKS
Ang tao kapag nasaktan ng sobra sa pisikal o emosyonal na aspeto ay maaaring umiyak na lamang. Ang pag-iyak ay hindi nangangahulugan na mahina ang isang tao ngunit mas mabuti pala na umiyak kapag nahihirapan ka ng husto dahil kapag itatago mo lang ang totoong nararamdaman mo ay malaki ang magiging epekto nito sa kaisipan at damdamin mo sa kinalaunan.





MAS MAKAKAYA O MAKOKONTROL MO ANG STRESS


Sa bawat sitwasyon na malagay ka, tandaan mo palagi na huwag kang masyadong magpapadala sa stress dahil sa sobrang pag-aalala, hindi pagiging masaya, kalungkutan o dahil sa isang mahirap na relasyon. Kapag umiyak ka ay mababawasan ang bigat na nararamdaman mo sa iyong puso at isip para na rin maiwasan ang severe psychological damage kung hindi mo mailalabas ang tunay mong nararamdaman.

ANG PAG-IYAK AY ISANG INDIKASYON NA HINDI KA TAKOT SA IYONG NARARAMDAMAN
Maraming bagay ang maaaring maging dahilan kung bakit tayo umiiyak at kasama dito ang pagkasawi ng isang mahal sa buhay, sobrang stress, galit, lungkot, problema sa kalusugan o dahil lang sa narinig o napanuod mong malungkot na kanta o pelikula. Kapag umiyak ka ay gagaan ang iyong pakiramdam at mas mahaharap mo ng mabuti ang mga problema mo pagkatapos.

Kapag ang isang tao ay mahilig itago ang kanilang emosyon ay maaaring magresulta ito sa pagiging lasenggo nila, paggamit ng drugs, pagkakaroon ng depresyon, sobrang pag-aalala, kalungkutan at mga masasamang ugali. Madalas ang mga tao na walang lakas na harapin ang mga problema sa kanilang buhay ay ang mga gustong makatakas sa opinyon ng ibang tao at sa kinalaunan ay maaaring hindi na sila mapansin. Importante na mabigyan ng pansin ang mga taong ito para maiparamdam na minamahal pa rin sila at bigyan ng suporta para maharap nila ang kanilang mga problema.

Kapag umiyak ka ay nangangahulugan na malakas ka dahil hindi mo iniisip kung ano ang sasabihin ng tao tungkol sa iyo. May mga pagkakataon na kapag tayo ay nawawalan na ng pag-asa ay tumatago tayo sa sarili nating mundo at kapag marami ang tao sa paligid natin ay hindi natin inilalabas ang mga sakit at kalungkutan na nararamdaman natin at sa halip ay itinatago na lang ito sa likod ng isang simpleng ngiti.

Mas magiging mabuti para sa kalusugan ng isip at katawan mo kung papayagan mo ang sarili mo na umiyak dahil sa mga nararamdaman mo. Gagawin ka nito na mas magaling na tao at mabuting kaibigan.

Dahil dito ay mas magiging matibay ka kapag may mga bago at hindi inaasahan na pangyayari tulad ng isang masamang balita, aksidente o problema. Patitibayin din nito ang relasyon mo sa iyong pamilya at kaibigan, dahil wala kang takot na ilabas ang iyong mga emosyon ay lalapitan ka ng mga tao na gusto ring ibuhos ang kanilang mga nararamdaman at umiyak.

Umiyak ka lang gusto mo at ilabas lahat ng nararamdaman mo para mas maiintindihan at matutulongan ka ng mga tao sa paligid mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments