DELIKADONG EPEKTO NG PAGGAMIT NG SOBRA SA APPLE CIDER VINEGAR

SPONSORED LINKS
Malaki na ang naging kasikatan ng apple cider vinegar o ACV sa paglipas ng panahon dahil magagamit ito bilang panlunas para sa maraming klase ng karamdaman at sakit sa katawan ng tao.




Maaaring marami na ang nabasa mo na artikulo sa internet pagdating sa ikalulunas ng sipon, fungal infections, problema sa balat at marami pang iba kung gagamit ka ng ACV. Totoo na epektibo ito pero dapat mo ring itanong kung may epekto nga ba ang sobrang paggamit dito?

MAAARING KANG MA-OVERDOSE SA ACV

Nakakagulat ito, pero maaaring kang ma-overdose sa ACV. Kahit nakabubuti pa ito sa katawan tandaan mo na kahit anong sobra ay maaaring makasama din dito sa huli. Ang sobrang paggamit sa ACV ay maaaring magresulta sa pagkasira ng ngipin, kakulangan sa potassium (hypokalaemia) at pagkasira ng balat. Makakasama din ito sa katawan kung sabay na ginamit sa ilang medikasyon katulad ng mga gamot na nakapagpapataas ng produksyon ng ihi, mga laxatives at mga gamot para sa sakit sa puso. Ito ang dahilan kung bakit importanteng malaman mo ang wastong dosis na magagamit mong ACV.

TAMANG DOSIS NG ACV BASE SA MGA KARAMDAMAN NA GINAGAMOT

Arthritis o Rayuma

Ang nagpapatibay sa bisa ng ACV para sa ikalulunas ng rayuma ay puro mga anecdotal evidence. Ayon sa ilang pag-aaral, halos wala itong epekto sa mga hayop na binigyan ng rayuma pero pagdating sa mga tao may kakayahan itong pabagalin ang paglala ng rayuma. Maaaring ligtas ka sa paggamit nito para sa rayuma nito pero dapat mo pa ring tandaan na huwag itong gagamitin ng sobra dahil hindi ka rin makakasigurado kung gagana ito para sa iyo.

Uminom ng 2 kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig pagkagisin.

Uminom ng 2 kutsarita ng ACV na may halong molasses at 1 kutsarita ng honey sa isang baso ng tubig bawat pagkain.

Obesity o Sobrang Taba


Totoong mabisa ang ACV para sa mga nagpapapayat pero dapat mo ring malaman na hindi ito biglaang panlunas sa sobrang taba ng iyong katawan. Kailangan din nito ang wastong paggamit at matinding pasyensya para talaga gumana ito para sa katawan mo.

Pagkagising sa umaga, uminom ng 2 kutsarita ng ACV sa isang baso ng malamig o maligamgam na tubig.

Uminom ng isang baso ng tubig na may 2 kutsarita ng ACV bawat pagkain sa isang araw.

Digestive Disorders

Ang food intolerance at nabago na pH level sa tiyan ay isa sa madalas na dahilan ng digestive disorders o problema sa pagtunaw ng pagkain. Kung gagamit ka ng ACV at tubig bago kumain lalo na sa mga lugar na hindi malinis pagkaprepara sa mga pagkain ay maiiwasan mo na magkaroon ng diarrhea, pananakit ng tiyan, indigestion, heartburn at constipation.

Uminom ng isang baso ng tubig na may 2 kutsarita ng ACV sa bawat pagkain sa isang araw o gumamit ng kaparehas na dami ng ACV sa salad dressing.


Common Cold

Hindi tuluyang magagamot ng ACV ang common cold at puksain ang pangunahing virus na sanhi nito pero maaari nitong pigilan ang ibang bacterial infections na nagpapatagal sa sintomas ng karamdaman na ito. Madalas ang paggamit ng 1g vitamin C bawat araw ay makapipigil sa pagkakaroon ng sipon pero kung dinapuan ka ng karamdaman na ito ay maaari mong itaas ang dosis sa 1g bawat 3 oras. Maaari mo ring patakan ng ACV ang mga kinakain at iniinom mo.

Uminom ng 1 kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig ng ilang beses sa isang araw.

Cough o Ubo


Para sa katamtamang pag-uubo, uminom ng 2 kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig ng madalas pero marahan lang itong sipsipin kahit grabe na ang ubo.

Sleeplessness

Kung hirap kang makatulog ay matutulungan ka ng ACV para dito. Iwasan mo na ang paggamit sa sleeping pills dahil marami ang magiging side effects nito katulad ng paggising mo sa umaga ay parang nahihilo o may hangover ka. Marami na ang nakapagpatunay sa pagiging epektibo ng ACV para dito lalo na kung uminom ka nito ng mainit sa isang tasa kalahating oras bago ka matulog.

Ihalo ang 2 kutsarita ng ACV at honey sa isang pitsel na may kalahating mainit na tubig. Inumin ito at magrelaks sa kama na marahan at malalim ang paghinga. Sa ilang saglit lang ay mahimbing ka nang natutulog.

Asthma

Kung palagi kang inaatake ng astma, sigurado ay alam ang sobrang pagkapagod ng katawan dahil sa sobrang kahirapan sa paghinga mo. Ang magandang balita ay ginagamit ang ACV dito bilang isang tradisyonal na panlunas na magbibigay ng epektibong resulta. Tandaan mo lang na wala pang isinasagawa na clinical trials na talagang magpapatunay kung mabisa nga ba ang suka na ito pagdating sa hika. Kaya mas mainam kung ibabase mo na lang sa sarili mong karanasan kung gumagana nga ito.

Ihalo ang isang kutsarita ng ACV at honey sa isang baso ng tubig at inumin ito ng 3 beses sa isang araw.

Diarrhea

Lagyan ng isang kutsarita ng ACV ang 275 ml ng tubig at inumin ito ng buong araw depende sa dami ng tubig na nawala sa iyong katawan dahil sa diarrhea.
SPONSORED LINKS

0 comments