HUWAG KANG MAG-AASAWA NG GANITONG KLASE NG TAO NA MAY SAMPUNG (10) KAUGALIAN NA ITO!

SPONSORED LINKS
Hindi madali na humanap ng isang perpektong tao para sa isang relasyon at maging kasama mo sa habang-buhay. Ang isang tao na mapagkakatiwalaan, mapagmahal at responsable ang dapat mong maging asawa at iwasan mo ang mga tao na may mga kaugalian na ito:



1. MAKITID ANG PANANAW

Ang tao na walang tiwala sa iyo ay magiging strikto sa lahat ng gagawin kahit gaano ka pa katapat sa kanila. Hindi ka nila bibigyan ng kalayaan na makakakilos ng maayos dahil palagi silang nagdududa na may masama kang gagawin.

2. GALIT SA MGA HAYOP

Ang isang tao na galit sa hayop ay walang awa. Ang pagkakaroon ng alerhiya sa mga hayop ay malaki ang pagkakaiba sa poot o galit na nararamdaman sa mga ito. Kung pipili ka ng isang tao na galit sa hayop o ang alaga mo, piliin mo ang alaga mo. Ang tao na mapintas sa hayop ay maaaring makasakit din sa ibang tao sa kinalaunan.

3. WALANG PUWANG ANG MGA PATAKARAN NG RELASYON SA KANILA

Bawat relasyon ay may kani-kanilang patakaran at kapag palagi itong sinisira ng isang tao ay marahil wala silang respeto dito. Kung madalas silang ganito ay baka nagsasayang ka lang ng oras sa kanila.

4. PALAGING NAPAPAKO ANG MGA PANGAKO

Kung madalas hindi natutupad ang kanilang mga pangako ay maaaring ginagawa ka lang na tanga nila. Wala silang pakialam sa sasabihin o mga opinsyon mo. Kung minsan lang ito mangyari ay mapagbibigyan pa ito ng karamihan pero kung sumusobra na ay maaaring pinaglalaruan ka lang nila.

5. MADALAS MAGSINUNGALING

Ang ilang mga sinungaling ay sinasabi para sa ikabubuti ng sitwasyon pero kung naka-aapekto na ito sa relasyon ninyong dalawa ay dapat mo ninyo na itong pag-usapan. Ang isang relasyon ay nagiging posible lamang dahil sa tiwala sa isa’t isa. Kung madalas niyang sirain ang mga pangako at patakaran ng relasyon ay unti-unti itong maka-aapekto sa relasyon ninyong dalawa.


6. PALAGI KANG INAAWAY

Normal lamang na magkaroon ng away sa isang relasyon pero kung wala na itong tigil ay dapat mo na itong bigyan ng pansin. Kung wala silang pakialam sa opinyon at kalagayan o palagi na lang na sila ang masusunod sa bawat desisyon sa relasyon ninyo ay maaaring sinasayang mo lang ang oras mo sa kanila.

7. GALIT SA MGA MAGULANG

Hindi natin maiiwasan na mainis sa ating mga magulang minsan pero hindi nito ibig sabihin ay mahihiwalay na tayo sa kanila dahil malaki ang naging parte ng ating pamilya sa ating buhay. Kung ang isang tao ay walang pakialam o kinalimutan na ang kanyang sariling pamilya ay maaaring iba ang maging ugali at kilos pagdating sa mga magulang mo.

8. ABUSADO

Ang pag-ibig ay walang kinalaman sa karahasan kahit pisikal pa ito o emosyonal. Lumayo ka sa mga tao na abusado at sinasaktan ka! Kahit babae pa ito o lalake, tandaan mo na ang pagkakaroon ng isang relasyon sa isang tao na walang kontrol sa kanilang galit ay maaaring maging isa sa pinakamalaking pagkakamali mo sa iyong buhay.

9. HINDI MABUTING KAUSAP

Kapag ang ka-relasyon mo ay magandang kausap ay makapagpapatibay ito ng todo sa inyong relasyon. Pero kung wala silang gana sa mga sinasabi mo kahit inilalabas mo na ang iyong mga totoong nararamdaman ay ang ibig sabihin lamang sabihin nito ay wala kang silbi sa kanila.

10. IMMATURE SA LAHAT NA GINAGAWA NILA

Kung ang isang tao ay immature ay maaaring wala silang tibay na loob pagdating ng panahon na may malaking desisyon na makaka-apekto sa inyong relasyon. Kailangan mo ng isang tao na alam ang kanilang mga ginagawa at may sariling paninindigan.
SPONSORED LINKS

0 comments