ITO ANG MGA 25 HEALTH BENEFITS NA MAKUKUHA MO KUNG KUMAIN KA NG LANGKA NA HINDI ALAM NG KARAMIHAN SA ATIN

SPONSORED LINKS
Ang jackfruit o langka ay naging sikat dahil sa masarap na prutas nito na umaapaw sa nutrisyon at mga health benefits. Mayaman ito sa bitamina, mineral, phytonutrients, carbohydrates, electrolytes, fiber, fats at protein. May calories din ito pero walang cholesterol o saturated fats. Ang madalas na pagkain sa prutas na ito ay makakatutulong para sa ikabubuti ng kalusugan mo.



ITO ANG MGA HEALTH BENEFITS NG PAGKAIN SA LANGKA:

PERPEKTONG BALAT

Ang mga buto nito ay may kakayahan na bigyan ka ng masigla at perpektong balat. Ibabad ang mga buto sa pinaghalong gatas at pulot. Pagkatapos nito ay durugin ang mga ito para makagawa ng isang paste na magagamit sa mukha mo. Hintayin mo itong matuyo at mapapansin mo kaagad na bago, sariwa at makinis na ang mukha mo.

PARA SA MABILIS NA PAGTUBO O PAGHABA NG BUHOK

Ang buto ng prutas ng langka ay mabisang magagamit para mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan para mas mabilis na tumubo o humaba ang mga buhok.

VITAMIN A

Mayaman ito sa vitamin A na magbibigay sa iyo ng masigla at magandang buhok. Bukod dito, pinipigilan din nito ang pagtuyo at pagkasira ng mga buhok.

PINIPIGILAN ANG KANSER

Mayroon ito na mga antioxidants, phytonutrients at flavonoieds na nakapipigil sa pagbuo ng mga cancer cells. Ang antioxidant sa jackfruit ay makatutulong din para maprotektahan ang katawan laban sa pagkasira dahil sa mga free radicals. Nagkakaroon ng free radicals sa katawan dahil sa stress. Kapag nagawa na ang mga ito, pinipinsala nito ang mga cells sa katawan na magiging dahilan ng pagkabuo ng mga cencer cells. Ang antioxidant ay kayang puksain ang mga free radicals na ito para maprotektahan ang ating DNA sa pagkasira. Ang jackfruit ay nagbibigay din ng proteksyon sa colon at baga natin at pinipigilan nito ang pagkakaroon ng oral cavity cancer.

PARA MAPANATILI ANG WASTONG BLOOD PRESSURE

Ang jackfruit ay may potassium na nakatutulong sa pagpapanatili ng sodium na nasa katawan ng tao. Ang mataas na antas ng potassium ay importante para mapanatili ang wastong fluid level sa katawan para mabalanse ang electrolytes. Bukod dito, sobrang nakatutulong din ito para mapigilan ang pagkakaroon ng high blood pressure, stroke at atake sa puso.


PINIPIGILAN NITO ANG COLON CANCER

Puno ito ng dietary fats na may kakayahan na linisin ang mga toxins na makikita sa colon. Tinatanggal nito ang epekto ng mga toxins sa colon at binigibyan ito ng proteksyon laban sa colon cancer.

Ang antioxidants na makikita sa jackfruit ay nagbibigay din ng proteksyon sa katawan laban sa iba’t ibang klase ng kanser, mabilis na pagtanda at mga degenerative diseases.

ASTMA


Ang jackfuit ay nagbibigay ng ginhawa sa mga tao na may astma.

PINABUBUTI NITO ANG MALABONG PANINGIN

Ang antioxidant na laman nito ay makakatulong para mas malinaw ang paningin at nagbibigay ng proteksyon laban sa katarata at macular degeneration. Bukod dito, may vitamin A din ito na mabuti para sa mga mata.

ANEMIA


Mayaman ang jackfruit sa vitamins A, B6, C, E at K, niacin, folatem pantothenic acid, copper, manganese at magnesium na kailangan sa produksyon ng dugo. Pinalalakas din ito ang absorption ng iron sa katawan para mapigilan at magawan ng lunas ang anemia.

KINOKONTROL NITO ANG BLOOD SUGAR LEVELS

Ang mataas na antas ng blood sugar sa katawan ay nangyayari dahil sa kakulangan ng manganese sa katawan. Mayaman sa manganese ang langka kaya lubos na makatutulong ito sa pagregulate ng wastong antas ng blood sugar sa katawan ng isang tao.

BINABAWASAN NITO ANG TIYANSA NG PAGKAKAROON NG SAKIT SA PUSO

Ang langka ay may laman na vitamin B6 na tumutulong sa pagbawas sa homocysteine leves sa dugo para mas mabuting pagdaloy nito sa puso.

ULCERS


Ang langka ay may malakas na anti-ulcerative na katangian na mabisa para sa ikagagamot ng ulcer at mga sakit na may kaugnayan dito.
SPONSORED LINKS

0 comments