ITO ANG MGA HEALTH BENEFITS NG QUAIL EGGS NA HINDI ALAM NG MARAMING TAO

SPONSORED LINKS
Alam mo ba na ang quail egg o ang itlog ng ibaon na Coturnix Japonica ay itinuturing na mas mabisang mapagkukunan ng nutrisyon kung ikokompara sa itlog ng manok?



May laman ito ng halos 13% na protina at mas mataas sa 11% ng itlog ng manok. Mayroon din itong laman na vitamins E, B2, zinc, iron at iba pang mga bitamina at mineral. Halos limang beses din na mas mataas ang laman nito na iron at potassium kung ikokompara sa itlog ng manok.

ITO ANG ILAN SA MGA HEALTH BENEFITS NG QUAIL EGGS:

Ang klase ng itlog na ito ay maliit pero punong-puno ito ng nutrisyon, bitamina at mineral na sobrang nakapagpapalusog sa katawan. Ang mga health benefits na makukuha mo sa itlog na ito ay nakalista sa baba:

PARA LUMAKI ANG MGA KALAMNAN

Maraming protina ang laman ng quail egg kaya perpekto ito sa pagpapalaki ng mga muscles o kalamnan. Kung gusto mo ng great muscle tone, kainin lang ng madalas ang quail egg kasabay ang pag-eehersisyo.

PINALALAKAS NITO ANG IMMUNE SYSTEM

Ang quail egg ay marami sa amino acids tulad ng lysine, na may kakayahan na patibayain ang immune system. Ang lysine ay isang uri ng amino acid na nakapagpapalakas sa produksyon ng antibodies at nagsusupurta sa immune system response.

PABILISIN ANG PAGLAKI NG KATAWAN

Ang protina ay itinuturing na isang main body building block na importante para sa development process ng katawan lalo na sa mga bata. Ang mga itlog na ito ay mayaman sa protina na nagpapabuti at nagpapabilis sa wastong paglaki ng katawan at nakakatulong din ito para sa wastong pagtakbo ng mga organs sa loob ng katawan.

PANATILIHIN ANG MASIGLANG BALAT

Dahil mayaman sa protina ang quail eggs at lysine ay mabisa itong gamitin para mapanitli ang sigla at kagandahan ng balat mo. Ang lysine ay isang amino acid na tumutulong para mapataas ang produksyon ng collagen sa katawan. Ang collagen ay isang protina na kailangan sa pagpapanatili ng flexibility ng balat ng tao para maiwasan ang paglaylay nito at pagkulubot.


PANATILIHIN ANG MALUSOG NA METABOLISM

Dahil maraming laman na nutrisyon ang quail eggs katulad ng vitamin B complex ay sadyang napaka-importante ito para manatili ang energy balance sa pamamagitan ng normal na metabolism. Ang vitamin B complex ay ang mga vitamin B12 at B6 na susi para sa maraming metabolic enzymes at mahalaga ang ginagawa para sa produksyon ng enerhiya.

PIGILAN ANG DIABETES

Ang quail eggs ay may kakayahan na mapigilan ang diabetes. Ipinakita sa mga pag-aaral na ang quail eggs ay mayaman sa amino acids tulad ng leucine, na nakatutulong para mapanatili ang wastong blood sugar at insulin level kaya mabisa ito para mapigilan o maibsan ang mga sintomas ng diabetes.

PIGILAN ANG ANEMIA

Ipinakita sa mga pag-aaral na ang mga babae na madalas kumain ng quail eggs araw-araw ay may maliit ang tiyansa na magkaroon ng anemia. May laman ito na iron, na nakakatulong sa produksyon ng red blood cells na nakakapigil sa anemina. Ang amino acids naman ay may kakayahan na pataasin ang antas ng hemoglobin sa loob ng mga red blood cells.

PARA SA MAS MALAKAS NA UTAK

Dahil sa amino acids at mga protina na makikita sa quail eggs ay nakakatulong ang mga ito para sa mas mabuti at malakas na kondisyon ng utak. Nakapagpapasigla din ito para sa nerve system sa utak kaya mas mabuti itong gagana. Maaari din na protektahan nito ang utak sa pagkasira at ayusin ang mga brain cells kapag may pinsala ang mga ito.

LINISIN ANG DUGO


Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang quail eggs ay nakakatulong sa pagtanggal ng mga heavy metals at toxins sa katawan katulad ng mercury. Kumakapit ang mga amino acids at iba pang components dito sa mga toxins para mas madali itong lumabas ng katawan kaya itinuturing ito na isang natural na blood purifier.

BINABAWASAN ANG TIYANSA NA MAGKAROON NG SAKIT SA PUSO

Ang mga quail eggs ay puno ng essential nutrients at vitamins na matinding nakababawas sa posibilidad na magkaroon ng mga sakit sa puso ng 24%, ito ay ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Lee et al 2010. Ito ay nagagawa ng qual egg dahil sa taglay nito na vitamin E o tocopherol.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments