ITO ANG MGA PAKINABANG PARA SA KALUSUGAN NG PAGKAIN SA LANZONES NA DAPAT MALAMAN NG MARAMING TAO

SPONSORED LINKS
Ang maliit na prutas na ito ay nagbibigay ng maraming super vitamins at magagamit din ito bilang panlunas sa maraming uri ng sakit. Sa artikulo na ito ay mababasa mo ang mga health benefits ng lanzones para sa katawan mo.




Bukod sa pagiging isang natural, organic at nakapagpapalusog na uri ng gamot ay napakasarap din ito.

ITO ANG TOP 10 HEALTH REMEDIES NG LANZONES NA HINDI ALAM NG KARAMIHANG TAO:

ANTIPYRETIC PROPERTIES

Napaka-epektibo gamitin ang lanzones para mapababa ang mataas na temperatura ng katawan.

PANLUNAS PARA SA PAGLOBO NG TIYAN

Ang resin na makikita sa balakbak ng puno ng lanzones ay maaaring magamit para gawan ng lunas ang paglobo ng tiyan, pamamaga at spasms. Ang resin ay may anti-inflammatory at anti-colic na mga katangian din.

TIGILAN ANG DIARRHEA


Ang balat ng prutas ng lanzones, at ang balakbak ng puno nito ay magagamit para magamot ang diarrhea. Magagamit din bilang incense ang pinatuyuan at sinunog na balat ng prutas ng lanzones.

PARA SA IKALULUNAS NG DYSENTERY AT MALARIA


Ang mga ganitong uri ng sakit ay tradisyonal na ginagamot sa tulong ng balakbak ng puno ng lanzones. Bukod dito ang balakbak nito ay magagamit din bilang panlunas sa mga tama ng alakdan.

MAYAMAN ITO SA RIBOFLAVIN O VITAMIN B2

Ito ang isa sa pinakamainam na maibibigay ng lanzones para sa ating katawan. Ang 100 grams ng lanzones ay may halos 8% ng daily suggested dose ng vitamin B2 para sa mga lalake at babae. Marami ang kagamitan ng bitamina na ito, pero madalas ito ay para sa ikabibilis ng paglaki ng katawan ng tao at para pataasin ang produksyon ng red blood cells.


MAYAMAN ITO SA THIAMINE O VITAMIN B1

Ang vitamin B1 ay may anti-stress na katangian at makatutulong din para sa kalusugan ng mga tao na nakararanas ng nervous system disorders at mga sakit sa puso.

MAYAMAN ITO SA VITAMIN A

Mabisa ito para sa buong kalusugan natin dahil ito ang ginagamit para mapatibay ang buto, panatilihin ang masiglang balat, malinaw na paningin at pinabubuti nito ang mga neurological functions.

MAYAMAN ITO SA ANTIOXIDANT

Ang lanzones ay maraming laman na carotene at polyphenols na mga natural at malalakas na antioxidants. Ang mga ito ay importante para mapigilan ang oxidation process kung saan nasisira ang mga cells at nagreresulta sa maraming uri ng malulubhang mga sakit.

MAYAMAN ITO SA FIBER

Palaging kulang sa fiber ang katawan ng tao. Dahil sa fiber ay maiiwasan ang problema sa tiyan at para mabawasan ang tiyansa na magkaroon ng sakit sa puso. Ang laman lamang ng prutas nito ang makakain at hindi ang buto at balat nito.

MAGAGAMIT PARA SA ULCER AT PAGTANGGAL NG MGA UOD SA TIYAN

Magagawa mo ito sa pagdurog at paghalo ng mga buto ng prutas na ito.

Umaasa kami na ang maikli pero puno ng impormasyon na artikulo na ito ay nakatulong sa inyo. Kung maaari ay ibahagi lamang sa iba para malaman din nila ito. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments