ITO ANG PAKINABANG PARA SA ATING KALUSUGAN KUNG UMINOM TAYO NG 1 TASA NG TURMERIC SA UMAGA

SPONSORED LINKS
Ang turmeric ay naging sikat dahil sa anti-inflammatory at anti-cancer na mga katangian nito. Ang pangunahing sangkap nito ay ang curcumin na isang malakas na antioxidant na nagbibigay ng maraming mabubuting epekto para sa kalusugan ng isang tao.



Matindi na inirerekomenda namin sa inyo na subukan ang turmeric na maraming kagamitan para sa ikalulunas ng mga sakit lalo na kung ihalo mo pa ito sa isang lemon juice.

TURMERIC JUICE

Mga sangkap:

½ teaspoon ng turmeric
½ lemon
Organic honey
mainit na tubig

Preparasyon:

Ang kailangan mo lang gawin ay pigain ang lemon sa isang baso at buhusan ito ng mainit na tubig. Ilagay na dito ang turmeric. Dagdagan ito ng honey at haluin ng mabuti. Puwede mo na itong inumin!

MGA PAKINABANG NG TURMERIC JUICE:

KONTROLIN ANG DIABETES

Ang turmeric ay nakokontrol ang insulin resistance at puwedeng pigilan nito ang type 2 diabetes.

Gayunman, importante na kumunsulta muna sa doktor bago gamitin ito para sa diabetes dahil kapag sumabay ito sa paggamit ng ilang mga medikasyon ay magbibigay ng mga side-effects katulad ng hypoglycemia.


ANTI-INFLAMMATORY AT ANTIOXIDANTS NA MGA KATANGIAN

Tulad ng nabasa mo sa taas, ang curcumin na laman ng turmeric ay may antioxidant at anti-inflammatory na katangian na mapipigilan ang paulit-ulit na pamamaga sa katawan.

MAIBSAN ANG PANANAKIT AT PAMAMAGA DAHIL SA RAYUMA

Ang antioxidant na katangian ng turmeric ay may kakayahan na alisin ang mga free radicals sa katawan. Mababawasan ang pamamaga at pananakit ng mga kasukasuan kung madalas kang iinom ng turmeric juice.

PIGILAN ANG SAKIT SA PUSO

Maraming pananaliksik na ang nakatuklas na kayang pigilan ng turmeric ang akumulasyon ng plaque sa mga arteries kaya nababawasan ang tiyansa mong magkaroon ng sakit sa puso. May kalahok na 121 pasyente na kinakailangan ng coronary arteries bypass ang isang pag-aaral sa turmeric at napag-alaman dito na pinapababa nito ang posibilidad na atakehin sa puso ang isang tao ng 65% sa pamamagitan ng pagkunsumo ng 4 grams ng turmeric araw-araw.

PIGILAN ANG KANSER


Pinipigilan ng turmeric ang pagkalat ng mga tumor cells at pababain ang tiyansa na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng madalas na pagkunsumo sa turmeric.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments