ITO ANG SAMPUNG (10) DELIKADONG SIDE EFFECTS NG KAKULANGAN NG TULOG!

SPONSORED LINKS
Maraming tao ang nagyayabang na kaya nilang matulog ng mas maliit sa kinakailangan na walong oras bawat araw, lalo na ang mga college students at call center agents. Ang hindi nila alam ay malaki ang magiging epekto nito sa katawan sa kinalaunan. Ang katawan natin ay kailangan ng 7-8 oras ng tulog para sa wastong pahinga at kapag kulang ito ay maapektuhan nito ang memorya, kalusugan, itsura at kahit ang sex life mo.




Ito ang sampung (10) delikadong side effects ng kakulangan ng tulog:


1. Mas Madali Kang Maaksidente
Alam mo ba na ang kakulangan sa pagtulog ay isa sa pangunahing dahilan ng mga pinakamalaking sakuna sa kasaysayan? Ang mga halimbawa nito ay ang 1979 nuclear accident sa Three Mile Island, ang Exxon Valdez oil spill at ang 1986 nuclear meltdown sa Chernobyl. Lahat ng ito ay nangyari dahil sa mga tao na kulang ang tulog!

Mababawasan ang reaction time ng isang tao kapag sila’y inaantok at kaparehas ito kapag sila’y lasing. Maraming pag-aaral na ang nakapagpatunay na ang kakulangan ng tulog ay nagreresulta sa aksidente sa trabaho. Mas malaki ang tiyansa ng isang tao na maaksidente sila kapag sila’y sobrang inaantok.

2. Maapektuhan Nito Ang Kalidad Ng Isip Mo

Gusto mo ba ng mas mataas na grades? Dapat matulog ka ng wasto!

Ang pagtulog ay malaki ang nagagawa sa isip at pagtuto. Ang kakulangan sa tulog ay sobrang naka-aapekto sa isip sa maraming paraan katulad ng mas maikli na attention span, hindi alerto, hirap sa konsentrasyon at pagsagot sa mga problema. Mas mahihirapan kang matuto dahil dito.

3. Problema Sa Kalusugan

Kapag kulang ka sa tulog ay maaaring magkaroon ka ng sakit sa puso, atake sa puso, heart failure, pababago na bilis ng tibok ng puso, mataas na blood pressure, stroke at diabetes. Ayon sa ilang pag-aaral, karamihan sa mga tao na nakararanas ng insomnia ay may iniinda rin na ibang mga sakit o karamdaman.

4. Mas Liliit Ang Gana Mo Sa Seks

Palagi ka bang inaantok at wala ka ng panahon para sa pakikipagtalik o seks? Ayon sa mga eksperto, mas maliit ang libido o libog ng mga tao na palaging inaantok at ito ay sinisisi sa kanilang mababang enerhiya at stress.

5. Depresyon


Sa paglipas ng panahon, ang kakulangan sa tulog ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng depresyon. Sa isang poll na ginawa sa US, ang mga tao na may depression o anxiety ay mas maikli ang oras na natutulog.



6. Mas Magiging Matanda Ang Itsure Mo


Maraming tao ang nagkakaroon ng maputlang balat at baggy eyes pagkalipas ng ilang gabi na kulang ang tulog. Kapag nakaugalian mo na ang matulog na hindi sapat ang tagal ay magdudulot ito ng maputlang balat, wrinkles at dark circles sa ilalim ng mga mata mo. Ang growth hormone ay nilalabas ng katawan kapag tayo ay natutulog at ito ang umaayos sa mga sira sa balat.

7. Kawalan Ng Memorya

Noong 2009, ang mananaliksik na Amerikano at Pranses ay natuklasan ang isang brain event na kung tawagin ay “sharp wave ripples”, at ito ang nagpapatibay sa memorya ng isang tao. Ang brain event na ito ang naglilipat sa mga natutunan na impromasyon galing sa hippocampus papunta sa neocortex ng utak kung saan nakatago ang mga long-term memories. Ang sharp wave ripples ay nangyayari sa mahimbing na pagtulog.

8. Mas Tataba Ka Dahil Dito

Nangangarap ka ba ng mas seksi na katawan? Tiyakin mo lang na matutulog ka sa tagal na 8 oras bawat gabi!

Ang kakulangan ng tulog ay may kaugnayan sa madalas na pagiging gutom kaya mas kumakain ang isang tao at tumataba ng husto. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong taon na 2004, ang mga tao na kulang ang tulog ay mas tumataas sa 30% ang tiyansa na maging obese o mataba kung ikokompara sa mga tao na natutulog sa tagal ng 8-9 oras.

9. Maapektuhan Nito Ang Decision Making Mo

Ang mga tao na kulang ang tulog ay madalas masama ang nagiging desisyon. Kaya kapag nasa isang trabaho ka kung saan ang kalidad ng kaisipan mo o ang decisive power mo ay sobrang importante kailangan mo ng sapat na tulog.

10. Maapektuhan Nito Ang Haba Ng Buhay Mo

Sa isang pag-aaral na ginawa sa Bretanya, natuklasan dito na ang kalidad ng pagtulog ng mga tao ay nakaapekto ng todo sa haba ng buhay ng isang tao. Ang mga tao na kulang ang tulog ay mas malaki ang tiyansa na magkaroon ng halos lahat na uri ng karamdaman at sakit lalo na ang may kaugnayan sa puso.

Matutulog ka na ba ng wastong tagal pagkatapos mong mabasa ito? Tama lang ang gagawin mo dahil para rin ito sa kalusugan ng iyong isip at katawan.
SPONSORED LINKS

0 comments