ITO ANG SIYAM (9) NA DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NATIN NA KUMAIN NG CELERY BAGO MATULOG

SPONSORED LINKS
Maraming tao ang kumakain ng kintsay at karaniwan na hinahalo ito sa ibang mga gulay pero wala silang kaalam-alam sa mga mabubuting magagawa nito para sa kalusugan.



Ang celery o kintsay ay naging kilala bilang isang anti-hypertensive agent ng maraming siglo na. Mabisa ito para sa cardiovascular health. Ayon sa ilang pangkasalukuyan na pag-aaral, may katangian din ito na antioxidant at anti-inflammatory na makakatulong para mapabuti ang blood pressure, cholesterol levels at para mapigilan ang pagkakaroon ng mga sakit sa puso.

BUKOD DITO, MARAMING PAKINABANG ANG CELERY PARA SA KALUSUGAN AT ITO ANG SIYAm NA DAHILAN PARA MAGKAGUSTO KA SA GULAY NA ITO:

BINABAWASAN NITO ANG PAMAMAGA

Kapag masakit ang mga kasukasuan mo at nakararamdam ka ng pamamaga sa katawan mo, kumain lamang ng gulay na ito para sa ikalulunas ng karamdaman mo. Ang kintsay ay maraming laman na polyphenols at antioxidants. Mabisa rin ito para sa mga tao na may astma.

BAWASAN ANG BAD CHOLESTEROL SA KATAWAN

Ang kintsay ay may butylphthalide na may kakayahan na bawasan ang antas ng kolesterol sa katawan ng isang tao. Kung kumain ka ng 2 tangkay ng celery ay mapapababa nito ang LDL ng 7%.

PINATITIBAY NITO ANG DIGESTION O PAGTUNAW NG PAGKAIN

Maraming laman na tubig at fiber ang kintsay na makakatulong sa digestion. Ayon sa ilang doktor ito rin isang mabisang diuretic dahil sa cleansing property nito.

PINAPABABA NITO ANG MATAAS NA BLOOD PRESSURE

Ang kintsay ay may isang active compound na kung tawagin ay phthalides na may kakayahan na mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng 14%. Ang pagkain dito ng madalas ay makapagpapababa din ng stress hormones sa dugo.


NAKAKATULONG ITO SA PAGPAPAPAYAT

Ang kintsay ay may laman na halos 10 calories lamang at ang natitira ay gawa sa tubig. Madali kang mabubusog dahil dito at nakapagpapalusog din ito.

TUMUTULONG ITO PARA MABAWASAN ANG STRESS

Ang 100 milligrams ng celery ay may laman na halos 11 milligrams ng magnesium. Makatutulong ito para mabawasan ang stress. Marami din itong laman na langis kaya kung kumakain ka nito ng madalas ay makakatulong ito para marelaks ang mga nerves sa katawan mo at makakatulog ka rin ng mahimbing.

BINABALANSE NITO ANG ALKALINE LEVELS MO


Ang pH levels sa katawan mo ay mananatili na nasa wastong antas kung kumakain ka madalas ng kintsay. Mababawasan din nito ang acidic level sa katawan mo.

MAS GAGANAHAN KA SA SEKS

Ang kintsay ay puno ng 2 key sex pheromones na kung tawagin ay androstenone at androstenol. Dahil dito ay palalakasin nito ang gana mo para makipagtalik.

TUMUTULONG ITO PARA LABANAN ANG KANSER
Napatunayan na ang kintsay ay kayang pigilan ang pagkakaroon ng breast cancer. Mapipigilan din nito na lumaki ang cancer tissues at cells sa pancreas at colocteral areas. Nagagawa niya ito dahil sa laman nito na flavonoid, na kilala rin bilang luteolin.

Ano pa ang hinihintay mo? Magpakabusog na sa kintsay dahil mas magiging masigla at cancer-free ang katawan mo dahil dito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments