MAG-INGAT SA PAGBILI NG MGA TOOTHPASTE AT PAGMASDAN NG MABUTI ANG MGA COLORED MARKINGS NA ITO!

SPONSORED LINKS
Ang pagsipilyo at pag-floss ng ngipin ay makabubuti para sa kabuuang kalusugan ng bibig mo. Ang mga ngipin mo ay malaki din ang kaugnayan sa kalusugan ng katawan mo.




Napapansin mo ba na kapag tinanggal ang ngipin mo ay nilalagnat ka?

Nangyayari ito dahil napapansin ng katawan na may natanggal na bahagi dito na matagal nang naging parte nito at ang bukas na sugat dahil sa tinaggal na ngipin ay maaaring mapasok ng mga bakterya. Magugulo ang immune system mo dahil dito at magreresulta ito sa pamamaga, lagnat at mataas na blood pressure. Isa lamang ito sa nakapagtatakang reaksyon ng katawan sa mga pagbabago na nangyayari dito.

Pagdating sa ngipin, gumagamit tayo ng toothpaste para malinis ang mga ito. Pero ano nga ba ang ginagawa natin sa mga pamilihan? Bumibili lang ba tayo ng kahit na anong toothpaste at kaagad na umaalis na?

Napansin mo ba ang mga color patches na nakalagay sa katawan ng mga nabibili mong toothpaste products? Sa katotohanan, may kahulugan pala ang mga ito at importante itong malaman ng mga tao na maselan pagdating sa kanilang kalusugan. Tingan mo kung kaparehas ng mga ito ang nabili mong toothbrush.

Green Colored Patch:


Ang ibig sabihin ito ay ang sangkap ng toothpaste ay lubos na natural at walang kahit na anong kemikal, medisina o additive ang nakalagay. Mga processed natural ingredients lamang ito na ginawang toothpaste. Ito ang gusto ng karamihan.

Blue Colored Patch:

Natural ang mga sangkap nito na may halong medisina. Kung may problema ka sa gilagid mo ay magagamit mo ang toothpaste na ito.

Red Colored Patch:

Natural ang sangkap nito na may halo na mga kemikal para mapalakas lalo ang epekto nito. Nagbibigay ito ng mas presko at minty na hininga at pakiramdam pagkatapos mong magsipilyo. Gayunman, maaaring magbigay ng idiosyncratic reaction ang mga kemikal na ito pero hindi mo naman ito mararamdaman kaya ligtas pa rin itong gamitin.

Black Colored Patch:

Ang ibig sabihin ito ay purong kemikal ito. Kung tawagin ito ay synthetic toothpaste. Madalas ang makikita mong toothpaste sa mga pamilihan ay may red o black na patches. Tandaan mo ito palagi!
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments