PITONG (7) SENYALES NA MAGSASABI KUNG MAYROON KANG MYOMA AT MGA PAYO KUNG PAANO ITO PALILIITIN GAMIT ANG MGA NATURAL NA PARAAN!

SPONSORED LINKS
Mga warning signs na magsasabi kung maryoon kang myoma:




MGA PROBLEMA SA BLADDER

Ang myoma na lumaki sa labas ng pader ng uterus na malapit sa bladder ay maaaring mapisil dito at magdulot ng pressure na magiging dahilan ng madalas pag-ihi. Kung palagi kang na-iihi sa gabi ay inirerekomenda namin na magpakunsulta ka sa doktor mo.

RECTAL PRESSURE

Ang myoma na lumaki sa papunta sa likod ng uteros ay maaaring pumisil sa rectum at magdulot ng pakiramdam na magdudumi. Kung pinuwersa mo ito ay magreresulta ito sa hemorrhoids.

PANANAKIT SA LOWER BACK


Ang myoma na nakalagay sa labas at likod ng pader ng uterus ay maaaring mapisil sa spinal nerves na magdudulot ng matinding pananakit. Ang problemang ito ay maaaring lumala bago o pagkatapos ng regla.

PAMAMAGA NG LOWER ABDOMEN

Ang malaking myoma ay gagawing parang buntis ang isang babae. Madalas hindi ito nagiging dahilan ng pagpunta ng mga babae sa doktor dahil wala itong dala na pananakit sa katawan.

PAGKABAOG O PALAGING NALALAGLAGAN

Ang pagkabaog o pagkalaglag ay maaaring dahil sa maraming bagay at isa dito ay ang pagkakaroon ng uterine myoma. Kung dadaan ka sa isang ultrasound scan ay makikita mo kung mayroon kang myoma.

MAHABA AT MALAKAS NA REGLA


Ito ang pinaka-pangkaraniwan na sintomas ng uterine myoma. Kung nagdurugo ka na may namumuong dugo ay pumunta ka kaagad sa doktor dahil maaaring magresulta ito sa anemia. Ang pananakit sa likod ng mga hita o lower abdomen ay isang karaniwang sintomas din nito.

MAY NARARAMDAMAN NA SAKIT KAPAG NAKIKIPAGTALIK

Depende sa laki at lokasyon ng myoma, ang pakikipagtalik ay maaaring maging isang masakit na karanasan. Ang sakit na ito ay mas malala sa ilang mga posisiyo.


PAANO MAIWASAN AT PALIITIN ANG MYOMA

Ito ang ilan sa diet at lifestyle changes na magagawa mo para mapaliit ang myoma:

MADALAS NA PAG-EEHERSISYO

Ang madalas na pag-eehersisyo kasama ang malulusog na pagkain ay mabisa para unti-unting mapaliit ang myoma.

BAWASAN ANG STRESS

Malaki ang epekto ng stress sa katawan. Maaaring mawala ang maraming nutrisyon sa katawan dahil dito, maging mahina ang adrenal glands at iba pang mga organs at magdudulot ng hormonal imbalance.

KUMAIN NG LEGUMES AT BEANS


Ang mga beans, legumes, avocados, chia seeds, itlog at quinoa ay mabisang mapagkukunan ng protina at dapat mong kainin. Kumain ng kaunti ng mga protein foods na ito sa bawat pagkain. Paliliitin nito ang iyong myoma at maproprotektahan ka sa breast at cervical cancer.

KUMAIN NG MABUTI PARA SA ATAY

Patibayin ang atay gamit ang mga pagkain na makabubuti para dito tulad ng dandelion, grapefruit, beetroot at milk thistle.

MGA ALAK


Iwasan ang alak at pati na rin ang mga caffeinated drinks katulad ng soda at kape dahil mga diuretic ito at nakababawas ng tubig sa katawan.

MGA PRUTAS AT GULAY

Kumain ng maraming sariwa at organic na prutas at gulay. Ang mga green juices ay makatutulong din para mapaliit ang myoma.

MGA SUPPLEMENTS

Ang spirulina, zinc, vitamin C, L-arginine, L-lysine, chlorella at omega 3 ay makakatulong ng husto para mapaliit ang myoma.

MGA HALAMAN


Ang nettle tea, dandelion root, black cohosh, Dong quai, turmeric, pau d’arco at chastberry tincture ay ilan lamang sa mga halaman na magagamit mo para mapaliit ang myoma.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments