SAMPUNG (10) MAGANDANG DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT KANG UMINOM NG APPLE CIDER VINEGAR SA GABI

SPONSORED LINKS
Ang apple cider vinegar o ACV ay madalas ginagamit sa mga pickles o pie, salad dressings at maraming klase ng mga lutuin. Pero narinig mo na ba na maaari itong inumin? Oo, matapang ang lasa nito pero maaari mo itong haluan ng tubig para magawa mong inumin ito.




Ito ang sampung dahilan kung bakit dapat kang uminom ng ACV sa gabi:


PAGBAWAS NG TIMBANG O PAGPAPAYAT

Ang kakulangan sa tulog ay may kaugnayan sa obesity o sobrang taba. Kapag mas mabigat ang tao ay nagkakaroon sila ng problema sa pagtulog. Ayon sa mga pag-aaral, ang pangunahing dahilan ng problemang ito ay humihina ang kakayahan ng katawan na epektibong maproseso ang mga starchy foods katulad ng pasta at kanin para maging calories. Ang ACV ay makakatulong para maiwasan na maipon ang taba sa katawan at mababawasan din nito ang gana mong kumain dahil sa sangkap nito na pectin na may kakayahan na gawin kang mas madaling mabusog.

TIGILAN ANG HICCUPS

Ang maasim na lasa ng ACV ay may kakayahan na tigilan ang iyong hiccups. Dahil sa lasa na ito ay makakalimutan ng mga nerves sa lalamunan ang pag-hiccup. Lunukin lamang ang isang kutsarita ng organic ACV para dito.

PARA SA SORE THROAT

Ang mga bakterya na nagdudulot ng sore throat ay titigil ang pagdami dahil sa acidity ng ACV. Bukod dito, ang ACV ay isang klase ng suka na may natural na antibacterial property. Isang oras bago matulog, gumamit ng 1 kutsarita ng ACV. Pagkalipas ng 30 minuto, uminom na naman ng isang kutsarita nito at isa pa bago ka tuluyang matulog.

PANLUNAS PARA SA BARADONG ILONG

Ang ACV ay may vitamins B1, B2, A at E at potassium at magnesium na sabay-sabay gumagana para maalis lahat ng sipon at mga bara sa sinuses. Ihalo lamang ang isang kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig at inumin ito bago matulog.

PANLUNAS SA ACID REFLUX

Nangyayari ang acid reflux kapag maliit lamang ang acid sa tiyan mo. Ang kakaunting dami nito sa tiyan ay paikot-ikot dito para matunaw ang pagkain at ang ilan dito ay nakakarating sa lalamunan mo. Magagawa ng ACV na ibalik ang wastong dami ng acid sa tiyan mo para hindi ito aksidente na mapunta sa esophagus. Ihalo lamang ang isang kutsarita ng ACV sa isang basong tubig at inumin ito isang oras bago matulog.



BAWASAN ANG PAG-ATAKE NG LEG CRAMPS SA GABI


Ang kakulangan sa potassium ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pabigla-bigla at mahigpit na pananakit sa paa mo sa gabi. Ang ACV ay mayaman sa potassium na kayang ibalik ang sapat na balanse nito sa katawan mo. Ihalo lamang ang 2 kutsarita ng ACV sa isang baso ng maligamgam na tubig at inumin ito bago matulog.

PABABAIN ANG BLOOD SUGAR


Ang insomnia ay nagdudulot ng mataas na blood sugar level. Pipigilan nito ang katawan na mapunta sa fat metabolism stage na importante para makatulog ang tao. Ang ACV ay makakatulong para mabawasan ang blood sugar levels sa katawan mo dahil patataasin nito ang insulin sensitivity nito. Uminom lamang ng 2 kutsarita ng ACV bago matulog bawat gabi. Kung nasa medikasyon ka dahil sa diabetes, kumunsulta muna sa doktor bago mo subukan ang panlunas na ito.

ALISIN ANG BAD BREATH

Kung mabaho ang iyong hininga lalo na sa umaga, ang antibacterial property ng ACV ay mabisang magagamit para dito dahil epektibong pinapatay nito ang mga bakterya sa bunganga at lalamunan mo. Dahil dito ay magiging sariwa at mabango palagi ang iyong hininga kahit sa umaga. Uminom lamang ng isang kutsarita ng ACV bago matulog.

BAWASAN ANG PANANAKIT NG TIYAN

Kung nakararanas ka ng pananakit ng tiyan lalo sa gabi ay subukan mong gumamit ng ACV. Ihalo lamang ang isang kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig at inumin ito bago matulog. Makakatulong ito para mapaginhawa ang pakiramdam mo.

PIGILAN ANG INDIGESTION

Ang indigestion at insomnia ay may kaugnayan sa isa’t isa. Ang ACV ay may kakayahan na tigilan ang dalawang ito. Gumagana ito dahil nilalabanan nito ang nausea, bloating at acid reflux. Ihalo lamang ang isang kutsarita ng ACV sa isang baso ng tubig at inumin ito kalahating oras bago matulog.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments