SAMPUNG (10) PAGKAIN NA DAPAT MONG IWASAN KUNG 30 YEARS OLD KA NA!

SPONSORED LINKS
Habang tumatanda ka, nagbabago ang diet mo para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga pagbabagong nagaganap sa katawan mo. Kapag nakaabot ka na sa edad na 30 ay mahiharapan kang isuko ang ilang sa mga nakaugalian mong gawin na nakasasama pala sa kalusugan mo.



Pero ito ang perpektong panahon para baguhin ang diet mo at kumain ng mga makabubuti para sa kalusugan mo.

Ito ang top 10 na mga pakain na dapat mong iwasan kapag 30 years old ka na:

Protein o Energy Bars

Ang protein bars ay walang maibibigay sa iyo na kahit na anong protina o enerhiya. Halos lahat ng laman nito ay nakasasama sa kalusugan tulad ng glycerin, sorbitol, whey protein, fructose at dextrose na makasisira sa buong sistema ng katawan mo. Habang tumatanda ka, mas importante na kumain ka ng mga sariwang prutas, gulay at whole grains.

White Bread at Bagels

Puno ang mga ito ng sobrang dami ng asukal na makasisira sa pagkabuo ng collagen at ilang mga wrinkle controlling na mga protina. Dahil dito, mas mainam na kumain ka ng mga tinapay at bagels na gawa sa whole grains para mapanitili ang wastong timbang ng katawan at antas ng blood sugar.

Oreos

Maaaring hindi ka maniwala pero ang oreo ay puno ng calories at fats. Normal lamang na kumain ka ng maraming Oreos habang bata ka pa pero kung matanda ka na ang sobrang bigat ng katawan mo ay mahirap nang bawasan dahil hindi ka kasing aktibo sa pag-eeherisyo kompara noong bata ka pa.

Microwavable Butter Popcorn

Ang popcorn ay isang sikat na snack. Pero ang mga added flavors at fats na laman nito ay masama para sa arteries mo at patataasin ang tiyansa mong magkaroon ng sakit sa puso.

Margarine

Ang mga ito ay karaniwang gawa sa partially hydrogenated oils. Ang mga trans-fat na ito ay may kaugnayan sa mga sakit sa puso at pagkabara ng mga arteries. Bukod dito, ang mga fats na makikita dito ay magpapabilis sa aging process ng balat mo at mas magiging sensitibo rin sa ito sa ultraviolet radiation.


Processed Meat

Ang processed meats tulad ng ham, bacon, salami at mga sausages ay gagawin na permanenteng nakalawaw nag balat mo. Puno din ang mga ito ng nitrates at nitrites na nagdudulot ng oxidative stress. Pinipigilan nito ang pagkabuo ng mga collage at elastin na mga protina na nakatutulong para manatili kang bata at maganda. Subukan mo na lang na kumain ng mga nitrate-free na processed meats kung hindi mo kayang mabuhay na walang ham o bacon sa almusal mo.

Sugar-Free Snacks

Ang mga artificial sweeteners ay makasisira sa sa atay. Subukan mong kumain ng may laman na fake sweeteners, makabubuti sa mga organs mo at hindi sobrang nakapagpapataba.

Iced Coffee

Wala itong maitutulong para sa pagpapabagal ng pag-edad ng katawan. Sa totoo, lahat ng caffeinated drinks ay maka-iistorbo sa normal sleep pattern mo na makasisira sa skin rejuvenation process na nangyayari habang natutulog ka. Bukod dito, napag-alaman na kung iinumin mo ang mga ito gamit ang straw ay mas mapapabilis ang paglabas ng mga wrinkles at fine lines sa balat mo.

Canned Soup

Napag-alaman sa ilang pag-aaral na ang mataas na blood pressure ay may kaugnayan sa premature aging. Ang canned soups ay mataas ang laman na sodium na mabilis na magpapataas sa blood pressure. Ang ilang sa mga sangkap din nito ay iniuugnay sa pagkabaog, sobrang taba at kanser.

Beer at Cocktails

Ayon kay Martha McKittrick, isang registered na dietitian, habang tumatanda ka, mas nahihirapan na iproseso ng katawan mo ang mga alak. Masisira ang regular sleep pattern mo dahil dito lalo na kung matanda ka na at isa ito sa dahilan ng premature aging at biglaang pagbigat ng katawan. Nagdudulot din ito ng dehydration at pagkasira ng elasticity ng balat. Uminom na lang nga mga juice at smoothies para mas ligtas ka.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments